BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

2009/06/26

MAY TEETH NA SI YUINA (^-^)


Look oh my teeth na si yuina ko.
Napansin ko lang nun nag 9 months siya (june1209).
Kinagat niya kasi ang kamay ko.
Nasaktan ako nakita ko may sugat.
Tinubuan na pala siya ng ngipin.

Hindi ko alam kung late na siya o tama lang?!.
5 months ko pa kasi na pansin na may wait sa taas ng gilagid niya.
Akala ko ngipin na yun.
Pero hindi naman nalabas eh.
Kaya hinayaan ko na lang muna.

Sabi kasi ng mga mommy na frens ko.
Mas ok pa nga daw na late siyang tubuan ng ngipin,para hindi agad masira ang ngipin niya.
2 ngipin sa baba sa taas wala pa.

Kaya pala lately mahilig siyang manggigil.
Gusto niya na laging kinakagat yun kamay ko.
Hindi naman pede yun kasi masakit na siyang mangagat mawawalan ako ng daliri hahaha.
Ngayon nag 9 months na siya.
Ang dami na niyang pinagbago.

Lagi siyang nagsasalita ang daldal.
Malikot na pero cute pa rin.
Tinuturuan ko na rin siyang lumakad para maging malakas ang tuhod niya.
Nakakatayo lang kasi siya pag nasa crib siya.
Hay nakakamiss na si yuina nun baby pa talaga siya yun hindi pa siya nangungulit.

R.I.P KING OF POP (T_T)


MICHEL JACKSON

Hindi ako fan niya pero nalulungkot ako everytime na may naririnig akong namamatay.
Tao lang ako Namatayan na rin ng mahal sa buhay.
Nalaman ko sa tv ang pagkamatay niya.
Sobra daw na nahirapan si king of pop sa sakit niya bago siya binawian ng buhay.
Sakit sa puso ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Halos buong mundo ang nagdadalamhati sa kaniya.
Bata pa ako ng naririnig ko ang mga kanta.
Marami rin akong napapanood sa tv na mga natutolungan niyang mahihirap.
Meron rin naman na napapabalita na nakakagawa siya ng pagkakamali.
Pero kahit ganun wala akong galit sa kaniya.

50 years old .
Maaga pa sa tingin ko para kunin siya ni lord.
Iba-iba naman ang kapalaran ng tao.
Mayaman ka man o mahirap .