Naalala ko lang tong movie na to.Nakakatuwa at nakakaiyak.Una hindi ko ito gusto nanonood noon si papa napansin ko naiyak siya,hindi ko nga siya pinansin bumalik ako sa kwarto.Mga ilang minuto rin ang nakalipas lumabas uli ako ng kwarto para mag timpla ng gatas nakita ko si papa aba hindi pa rin natahan.Tinanong ko siya kung anong problema niya at iyak siya ng iyak?
Sabi niya bat di ka kaya manood ng drama na to para malaman mo na maganda at baka maiyak ka rin.Hindi ako mahilig sa drama hindi kasi ako nakakarelate.Ewan ko lang baka pusong bato ako?!Sinubukan ko ngang panoorin medyon patapos na kasi yun drama last episode na daw kaya pala maiiyak kasi patapos na.
Pero nun napanood ko talaga ngang nakakaiyak.
Tungkol ito sa mga istudyante na sumali sa baseball ngunit may isang kasamahan sila na habang naglalaro ng baseball nanghampas ng kalaban sa ulo kaya rason ito para mapatigil sila sa paglalaro.Simula ng mangyari ang insidenteng iyon basag ulo na lang ang kanilang inatupag,lahat ng gurong bago ay iniinis nila at binubugbog.
Kaya lahat ng school kinatatakutan sila at galit sa kanil.
Pero may isang gusro na malakas ang loob at may tiwala sa tao at tumutulong na abutin ang pangarap sa buhay ng ibang tao.Naging guro ito ng mga sinasabing basagulero ng mga istudyante.Siya ang naging daan para mapagbago ang mga ito at harapin ang pangarap nilang maging baseball player.Para na rin mabalik ang tiwala ng mga tao sa kanila at itigil na ang panghuhusga sa kanilang nakaraan.
2009/07/10
ROOKIES (movie)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment