BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

2009/06/30

TRANSFORMERs THE REVENGE OF THE FALLEN


Kakapanood ko lang sa sine kahapon ng Transformers Revenge of the Fallen,grabe sobra ako naaliw.
Kala ko matutulugan ko yun palabas pero hindi pala,tiniis ko rin na hindi magtoilet para hindi ko ma miss ang scenes.Last june 20 pa showing ang movie,pero matatapos ng july 5.
Bat kaya wala gaanong mahilig sa action?! Ang japanese talaga tinatakbuhan ang english...hehehehe

Napanood ko na rin yun first movie ng transformer and maganda naman ang kinalabasan.
Pero mas inabangan ko itong movie 2 kasi mas exciting daw.
Medyo may pagka comedy at drama pero more on action talaga.
Ang dami sigurong pera ang nilabas nila kasi sobra ang dami nilang napuntahan na lugar.
Nakakakilig yun scene nila SAM & MIKAELLA.


Grabe sa kasexyhan si Megan Fox. Siya rin nag #1 FHM for 2 weeks.May scene din sila ni sam na sobra nakakainlove talaga.Bagay sila pero hindi sila ang mag-on.Si megan at yun lider na soulder na maputi.Ang bf ni megan ngayon.

Humanga ako sa pagkakagawa ng mga robot kahit na 3d lang di kaya biro ang gumanon.
Pinaka iniyakan kong part nun kamuntik ng namatay si SAM, dun na nagsabi si mikaela na mahal niya si Sam at kaylangan niya ito.


Si Optimusprime kasi namatay sa harap ni sam kaya si sam ipinagpatuloy niya ang laban para kay optimusprime.
Kaylangan niya matagpuan ang matrix para muling mabuhay si optimusprime dahil ito lang ang makakatalo sa mga desepticons.

Pinaka fave ko sa autobots si bumblebee,cute pa ng name niya.
Siya ang car ni SAM & buddy.
Meron pang nadagdag na 2 autobots hindi ko lang tanda yun names.
Yun last part ng renvenge of the fallen,namatay lang yun the fallen pero si megatron tumakas.
Kaya aabangan ko ang susunod na movie part 3.