BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

2009/07/12

4 YEARS DEATH ANNIVERSARY OF MY FATHER



4 years na palang nakakalipas ng namatay ang papa ko.
Pero namimiss pa rin namin siya.
Mahirap para sa isang anak ang mawalan ng magulang.
Malungkot,hindi mo alam kung saan ka huhugot ng lakas ng loob mo at sino ang tutulong sayo.
Love na love ko ang papa ko sabi nga nila dahil bunso mas malapit sa tatay.

Ako kasi simula yata ng naghighschool ako saka lang kami nakapag bonding ng papa.
Yun elementary ako ang ate ko ang laging hatid sundo ng papa ko.
pero nagasawa na ang ate ko kaya ako naman ang tinutukan ng papa ko.
Noon nabubuhay pa siya, ang naaalala ko kapag wala kami magawa ng papa ko.
Uutusan niya ako na gupitan ko siya ng buhok.

Minsan pa nga makeup o kaya bubunutan ko siya ng balbas niya ayaw niyang ishave gusto niya bunot para mabagal ang tubo kahit na masakit at nagdudugo na ok lang sa kaniya.
Gusto kasi ng papa ko ako ang gagawa ng lahat para sa kaniya.
May oras pa na kapag nanonood kami ng tv sa mahabang sofa 2 kaming hihiga ang posisyon ko nasa gitnang hita niya ako kaya pagminsan nauutot siya naku iniipit niya ang leeg ko para hindi ako makatakas sa amoy niya hahahahha.naging 3 na nga kami sa sofa dahil nagkaapo siya.

Yun totoo gustong gusto namin na makapunta sila ni mama dito sa japan.
Noon hinatid niya kami sa airfort nakita ko sa mukha niya na nalulungkot siya kahit na sinasabi niya na masaya siya.
Maranasan nila ang ibang bansa.mahirap lang kami kaya puros hirap sa buhay ang alam namin at naaalala namin.
Nang makapunta kami sa japan ilang buwan lang nagbday ang papa.
nabigyan pa namin siya ng pera para icelebrate niya ang bday niya.

After ng 1 buwan nabalitaan na lang namin na wala na siya.
Nashocked ako kasi kahit na may sakit ang papa ko dati pa malakas siya nun umalis kami.
Nagipon ako ng pera para marami akong maipasalubong sa kaniya at mabilhan namin saiy ng lupa mahilig kasi siyang magtanim.
Iyak ako ng iyak noon hindi ko matanggap na wala na akong papa.
Hindi ako sanay na hindi ko naririnig ang boses niya.
siya ang nagtatangol sa akin kapag may naaway sa akin.

Tinanong ko kung anong kinamatay niya.
Sabi ng mga tiyahin ko na inatake daw ng sakit niya dati pa.
Nakungkot ang papa ko kaya nagsimula uli siyang uminom ng alak.
Natutulog daw nun ang papa ko naramdaman niya na masakit na masakit ang tiyan niya at parang hirap na siyang makakita.
Sa kapit bahay siya kumatok habang gumagapang siya.
Bago namatay at maramdaman ng papa ko ang sakit niya.

Nilinis daw nito ang buong bahay namin talagang linis at ang kintab daw ng sahig,simula baba hangang taas.
Sa ospital ng dalhin siya lumalaban pa daw ang papa ko parang gusto pa niyang mabuhay.
Ang sabi ng doktor kapag tinangal daw ang lahat ng nakalagay sa katawan niya na binubuhay na lang siya mwawala na raw ang papa ko.
Kaya nagdesisyon ang mga kapatid niya na itigil na ang paghihirap ng papa ko.

Sana namatay na lang ang papa ko ng hindi siya nahihirapan.
Kapag naaalala ko ang lahat lagi lang akong naiiyak.
Pero alam ko na masaya na siya ngayon at binabantayan niya kaming mga anak niya.
Gusto ko lang sabihin sa papa ko na hindi ko nasabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya.




18000¥

Aba ang pagkakataon naman talaga.
Kahapon sunday after namin mamalengke pinapunta namin yun kaibigan ni papa at yun kaibigan ko na asawa niya sa bahay namin para ibigay yun regalo na nabili naman para sa summer.
Nanonood kami ng tv biglang nilipat ni papa yun channel sa pachinko channel.Kaya nagkayayaan kami ng kaibigan ko na magpunta sa pashinko malapit lang sa bahay namin 10 mins lang lalakarin.

Walang laman ang wallet ni papa may alikansiya siya at dun kami kumuha 3000¥ lang ang dala ko naku alam ko hindi ito aabot uuwi kaming luhaan nito.
Pag dating namin sa pachinkuhan umupo ako naku hindi pala pede yun 500¥ na barya dapat ay buong 1000¥ kaya malas ko naman.
Tawag ako ke papa nagtanong ako kung pede bang papalitan yun?!oo daw pumunta ako sa information nagtanong ako pinalitan naman nila kakahiya nga lang heheheh..

Yun lalaruin ko sanang dai hindi ko na nilaro kasi ayaw ko talaga ng kinikuman sabi ko kung talagang gusto mo ng pera sa umi tayo maglaro.
Nauna siyang umupo kaya lang ang pinipili niyang dai yun hindi na talaga lalabas.Ayaw ko sanang umupo muna kasi hahanap ako ng masmaganda.Ngayon nakakita ako ng dai na walang nakaupo at okay naman dahil naka 25 bonus na.Pagupo ko nagtaya ako ng 500¥ yun unang bulitas na pumasok sa butas naku tumama.hahahahah!!!!
Swerte yata ako ngayon wala pang 1 minuto ng upuan ko panalo na agad ako.

6 times ako nanalo ng bonus kaya naingganyo ako,kaya lang yun fren ko talo kakahiya naman kung ako naglalaro tapos siya nakatayo na lang.Binigay ko yun isang box kasi 4 na box yun napanalunan ko.Okay lang yun kasi di nanaman naiba yun fren ko sa akin 4 years na kami magkaibigan.Nahinto yun bonus kaya sabi ko ayaw ko na uwi na tayo okay na to 500¥ lang naman ang taya ko tapos nanalo ako ng 28000¥ .
Nagyakiniku kaming at ako ang nagbayad.