BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

2009/09/09

ANONG CAMERA KAYA ANG MAGANDA?!


Nagyasumi si hubby para makapamili kami para sa party ni yuina sa sunday.Busy na kasi siya sa next ngayon week na to kaya ngayon lang kami nakagala ulit pumunta muna kami sa UFJ Bank office para magawan kami ni yuina ng cash card yes! unti-unti na ako nakakaranas na makahawak ng cash card hehehe lol!
After namin sa bank naglibot kami sa apita,syempre ang favorite spot ni hubby ang sushi kaya kumain muna kami at nagpakabusog.
Sawang sawa na ako sa sushi 3x a week na lang kami laging nakain sa sushihan.


Dahil mahilig si hubby sa camera lagi kaming nagpupunta sa camera shop tingin-tingin ng maganda at mura.
Eto na nagtanong na si hubby kung alin ang gusto kong camera samantalang bago pa yun lumix ko na gift niya sa akin noon nag bday ako last january.
Aba balak ulit ako bilihan! ang sabi ko sa kaniya ok na sa akin yun camera ko ngayon kasi maganda naman ang kuha,pero humirit ako kung okay lang sayo at galit ka sa pera mo yun pro camera na nikon pwedeng pwede na sa akin yun lol!




Akala ko magagalit siya at sasabihan niya akong ambisyosa ka heheheh!!!
Aba hindi ang sinabi pa sa akin okay sige pero ibibigay mo sa akin yun lumix mo?!
Hmp???? gusto ko yun pro camera pero madaling bitbitin ang digital cam ko ngayon?!
Sayang naman kung ibibigay ko?!
pero naisip ko hubby ko naman siya at sa iisang bahay lang kami kaya pwede kong gamitin ang lumix niya everytime na gustuhin ko..hehehehe!!!!


Kaya pumayag na ako!
Ang problema baka drawing lang yun ibibili niya ako ng pro camera?!
Kaya ang sabi ko na lang kapag hindi mo ako nabilhan ng nikon etong exilim,canon o lumix?! na lang ang pag pipilian ko.
Yan ang pinaka bagong labas ng camera ngayon.
Pero hindi ko talag sure kung ano ba talaga ang maganda kong bilhin?!



Nagrequest din ako na gusto ko rin ng bagong video camera kasi luma na yun camera at ayaw ma upload sa pc.
Gusto ko pa naman na gawin dvd yun nasa video camera ko ngayon.


3 comments:

Azumi's Mom ★ said...

naku sis pagdating sa camera, baka makatulong ako.. catch you online na lang kc mamamlansta ako eh, sumilip lang ako kasi may bago kang post lol.. kung papalitan mo ang lumix mo, syempre yung mas upgraded version hindi yung kapareho lang, kaya di ko recommend sayo ang exilim at ixy.. kasi parang wala naman pinagka-iba yan eh,, basta chat na lng tayo mwah

Noreen said...

Gusto ko na din update cam ko at maganda nga yan Nikon DSLR! Yan na lang kamo! :)

Seiko said...

Mas gusto ko ang Exlim,yan ang gamit ko ngayon eh magaan na masarap pang dalhin kahit saan kasyang kasya sa pouch lalo na kung may travel ka & babaeng babae talaga ang dating.Touch panel ngayon ang pinaklatest nyan eh check mo hehe.
Have a great weekened!