Oct 6 pumasa ako sa driving test ko sa driving school binigyan nila ako ng certificate na nagsasabi na nakapasa ako sa stage 1.
Next day nagpunta kami ni hubby sa hirabari para doon ako magtake ng exam dahil si hubby ay magrerenew ng license niya sabay na rin kami nagpunta.
Para rin kumukuha ka ng passport at may mga interview.
Una kabado ako at nagaalala baka hindi ko maipasa ang exam kasi mahina ako pag dating sa english.
Pero noon nagtest na kami swerte ko dahil lahat ng nireview ko aba parehas sa lumabas sa exam.
40 mins lang ang test pero natapos ko ng 15 mins 1-50.
Kaylangan walang bababa sa 90% ang score.
Pag nagkamali ka na ng 5 wala na bagsak na.
Mabilis ako natapos kaya inulit kong basahin ang questions.
Baka kasi may hindi ako nasagutan at mali ang pagkakaintindi ko.
3 lang kami sa room may isang hapon at isa naman pilipina.
Noon una ayaw akong kausapin ng pilipina pero nagtry ako na kamustahin siya.
Buti naman at sumagot siya,matanda siya sa akin kaya inaate ko siya.
Syempre after ng exam usap kami nun pilipina tinanong niya ako kung first timer lang ba ako?!
Sabi ko oo tinanong ko siya kung first timer rin ba siya.
Una ayaw niya ako sagutin after ng 2 mins sabi niya hindi pang 8 times ng balik niya,kasi hindi siya makapasa.
Ang hirap nga talag ng exam kung hindi mo pagpupuyatan.
Nagalit yata sa akin yun pilipina kasi nagtanong pa ako.
Hindi ko naman alam,pero noon umupo siya sa tabi ko salita na siya ng salita kahit na ayaw ko siya makausap kasi magagalitin nga siya.
Hinihintay ko si hubby breaktime kasi niya.
Umupo siya sa tabi ko tapos yun pilipina salita na ng salita nihonggo ang salita niya.
Sabi ko kinakabahan ako kasi baka bumagsak ako?!.
Sagot ni pinay oo bagsak ka niya kasi first timer ka lang.
Nainis ako sa kaniya kasi kala ko papagaanin niya ang loob ko hindi pala.ok lang sino ka?!
Sobrang inis ko sinabi ko sa kaniya na hindi naman lahat ng first timer tangga,kung magaaral ka ng seryoso makukuha mo yun sagot db?!
Yun mga tiyahin ko at ate ko bat nakapasa sila?!
Namumula sa galit yun pinay at sabi niya baka naman gurang na yun?! hello sino kayang mukhang gurang kaloka ka.
Sinagot ko nga siya ng hindi ate talaga lang may utak ang tao kasi ginagamit hehehehe LoL nagalit si pinay.
Kakainis kasi siya minamaliit niya lahat nakatikim tuloy siya hehehehe.
Eto na lumabas na sa monitor yun nakapasa at hindi nakapasa.
Nauna na ako kasi nagmamadal;i na ako para hindi ko na makasabay yun pinay.
sinabi ko yun No. ko tapos sabi nun babae omedetou!!!
Ha ano nakapasa ako?!
OO daw ang score ko 98 wow db galing ko isa lang ang mali ko.
Yun pinay naman nun pagkakuha niya nun result ng exam niya umalis na at hindi man lang nagpaalam galit kasi.
Kinuha ko na yun student license ko at ang sarap ng feeling kasi makakapag drive na ako sa labas kung dati sa loob lang ng school ngayon sa roads na talaga.
1 comments:
congrats girl! masaya ako para sayo.. bakit kaya mga ibang pinay dito napaka-crab ang pag-iisip. Mabuti nalang sinagot sagot mo sya, ay naku.Sana nakita nya na pumasa ka. Im sure makaka-take 1 ka lang sa license test. Seryoso ka kasi.. ang mama ko nga din, di ko akalain na makaka take 1 lang sya pero nakita ko kung paano sya ka-seryoso, todo review talaga sya..
ui musta ka na ba? bakit di ka na masyado online at update? miss you
Post a Comment