BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

2009/07/04

PAG-GAWA NG PURIN (LECHE PLAN)

First time ko gumawa ng purin (leche plan),noon nasa pilipinas pa ako hangang tingin lang at tulong ang kaya kong gawin.
Siguro nga malaki ang pinag kaiba ng purin sa pinas at dito sa japan.
Sa pinas medyo malasa at matamis,sa japan naman matabang ng konti at marami silang inilalagay na ingredients.
Simula ng nagsama kami ni papa sa iisang bahay sinubukan kong matuto magluto phil food at japanese food.

Since may sarili akong kitchen sa bahay namin ni papa.
Sinubukan kong gumawa ng purin.
Madali lang at mas mura dahil ordinaryong gatas lang pepede na.
Share ko sa inyo kung pano ko niluto ang purin.

First ihanda ang sumusunod:

4 na itlog
4 kutsang asukal
2 cup milk
vanilla flavor
tubig

Una ilagay sa lulutuang bowl ang gatas.
sindihan ang apoy ng katamtaman lang ang lakas
lagyan ng 4 na kutsarang asukal at vanilla flavor ng 3 patak at haluin ng konti.
hayaan uminit ang gatas ng 3 mins.

Habang pinapainit ang gatas batihin ang 4 na itlog sa malaking bowl.

Pag nabati na ang itlog itabi muna ito sa tabi pansamantala.
Tignan kung medyo kumulo na ang gatas,
kapag medyo mainit na patayin ang apoy saka ipaghalo ang gatas at binating itlog.
Mainit ang gatas kaya dapat na haluin para hindi malutu ang itlog at hindi ito manigas.

kapag nahalo na ang itlog at gatas itabi uli ito sa tabi at ihanda na ang paglalagyan ng purin.
Pag naihanda na ang lagayan sa aliit na lutuan maglagay ng 4 kutsarang tubig at 6 na kutsarang asukal.
sindihan ang gas stove at painitin ang asukal sa pinaka mahinang apoy.

Dapat tuloy tuloy ang paghalo dito para hindi manigas at masunog.

Kapag nag kulay brown na sa inihandang lalagyan ng purin lagyan ng tag 1 o 2 kutsara
Kinakailangan na mabilis ang paglagay dahil mabilis rin ang pagtigas ng syrup.

Pagtapos ilagay ang syrup isunod ng ilagay ang hinalong gatas at itlog sa lalagyan ng purin.

Dapat na gamitan ng salaan para hindi sumama ang buong itlog.
At kung maaari ay huwag mabula ang pag lagay sa lalagyan.
Para maganda ang kalabasan.

Pag katapos lagyan ang lahat ng lalagyan ng purin ilipat na sa lulutuan steamer, takpan ng foil para hindi pasukin ng tubig.

Steam ng 15 mins wag bubuksan para maganda ang kalabasan.

Kayo try niyo na gumawa nito mura lang at masarap pa.

0 comments: