BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

2009/07/25

SUMMER LOVIN !!







Napaka init ngayon summer.
Hindi kami makatagal ng walang aircon.
Okay sana kung nasa pinas kasi kahit hindi mag aircon may hangin naman.
Pero dito sa japan may hangin pero mainit parin ang buga.
Kaya mabuti pang sa loob ng bahay na lang magpahangin.

Sa sobrang init ng loob ng bahay.
Sa labas ng bahay ko pinaliguan si yuina.
Sad kasi hindi kasya yun pool sa veranda.
Kaya yun bathtab nalang niya ang nilabas ko.
Hindi ko pa siya nabibilhan ng swimsuit kaya hubad muna siya.
Tuwang tuwa kapag naliligo siya.

Mas Madali rin para sa akin na paliguan siya kasi nakakaupo na siya.
Hindi gaya noon,takot na takot ako paliguan siya kasi baka mahulog siya sa tubig pag nabitawan ko siya.
Pero ngayon okay na okay kami kapag papaliguan ko.
Paborito niya pa ang tubig.

Syempre eto si super mommy nakahanda na ang camera.
Hindi lang pictures meron rin siyang videos.
Kinuhanan ko siya ng videos, dahil sobrang enjoy na enjoy siya na nagtatampisaw sa tubig.
Tuwang tuwa rin ako kasi nakikita kong masaya ang bebe ko.
Ganoon pala ang feeling ng mommy.
Masaya ka na nakikita mong masaya ang anak mo.


eto yun video ni yuina habang naglalaro siya sa tubig.




2 comments:

Azumi's Mom ★ said...

nakakatuwa naman si yuina.. ganun talaga halos ang mga babies, love nila ang tubig, yung iba takot hehe.. napaka init na nga, nakakatamad na talagang lumabas or magkaimono man lang, ang sakit kaya sa balat ang summer dito. May pool na nga din si baby kaso di pa nagagamit, sana malapit lang bahay natin no.. ui send mo nga sa kin ang home addy mo just in case.. baka bigla kami pumunta dyan lol (bamsmandani@yahoo.com)

KeiAnN said...

mommy bamz.
naks nakikimommy na rin ako.
nag pm na ako sa ym mo.
pm mo ko kapag natangap mo ha salamat