Niyaya kami ng tita ko na manood ng hanabi sa gamagouri sa office ni tito mori sa aisin.
Sayang wala si papa pumunta kasi siya sa shizuoka.
Tuwing may okasyon sa japan nagpapaputok sila ng fireworks.
Tulad ng summer,winter at new year para sa countdown.
Ibang iba sa pilipinas kasi nasanay tayo na sa labas lang ng bahay pede ng magpaputok.
Pero sa japan may lugar sila na duon lang pwepwede ang magpaputok ng fireworks.
Sa tabing ilog o dagat nila pwedeng paputukin,para malayo sa aksidente.
Isang oras din ang tinatagal ng fireworks nila.
Pero talagang ginagastusan nila ito.
Napaka ganda at organized.
First time ni yuina na manood ng fireworks.
Natutulog siya at nagsimulang pumutok ng pagkalaks lakas kaya siya nagising.
Pero akala namin iiyak siya dahil nagulat siya,pero hindi pala kasi natuwa siya dahil ibat-ibang kulay ang nakikita niya sa taas.
Sinubukan ko na kuhanan siya ng pictures kaya lang madilim kaya hindi siya kita.
Masaya kasi kasama ko ang family ko.
Syempre mas makukumpleto kung pati mga family ko sa phil makakasama namin.
Eto yun mga videos na kuha ko nun nanood kami ng hanabi.
hanabi 2009 pt 5
Uploaded by mamalovebabyyui_24
2 comments:
pareho tayo, nanood din kami nung saturday.. first timer din si baby, di rin sya umiyak.. ang saya no... marami ka pala kamag anak dito. Ako mama and yung pinsan ko lang.
uo marami yun mga kapatid ko kasama ko tita namin ang kumuha sa amin.
ngayon kami naman ang kukuha sa mga pinsan namin.
Post a Comment