BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

2009/08/20

BULILIT BULILIT NA MAKULIT


17082009bulilit makulit 3




Buti na lang at nandito sa japan ang ate ko at mga pamangkin ko,kasi naaalagaan nila si yuina at may nakakalaro si yuina.
Pumunta kami sa bahay ng ate ko kasi inihatid namin yun pamangkin ko nagbike lang kami 40 mins din yun sana naman pumayat ako kahit konti hehehe.
Nagtagal lang kami ng 30 mins kasi magdidilim na kawawa naman si yuina kapag nahamugan.
Pero kahit na mabili lang kami doon natuwa naman si yuina kasi malawak at may paglalakaran siya.

Nagtry nga siya na lumakad kaya lang lagi siyang nakahawak sa dingding takot pa siyang mauntog kahit ilang beses na siyang nauntog kasi malikot na kawawa naman.
Napaka ingay at magalaw na si yuina kahit naman nun nasa tiyan ko pa lang siya malikot na siya.
Pero yun ang pinasasalamat namin kay god kasi binigyan niya kami ng healthy baby.
Kapag nalalaglag siya o nadadapa sinasabi niya wah- nagagalit din kapag tinatawanan siya.
Kala mo talagang may naiintindihan na siya hehehe.


1 comments:

Azumi's Mom ★ said...

gosh naglalakad na pala si baby Yuina... kelan lang tumatayo palang sya sa kama eh no. Naiimagine ko na nga pagkalikot nya, si anzu kasi simula ng natutong tumayo, lagi na lang tumatayo kahit na patulog na sya, bigla tatayo