BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

2009/08/20

THANK YOU SUZUKI FAMILY




Simula ng nabuntis ako si oneechan mayumi na ang nagpalakas ng loob namin noon oras na marami kaming problema.Siya ang pinsan ni hubby na kaclose niya ever since noon bata pa sila.Magpinsan sila sa side ng mama ni hubby.Marami magagandang bagay ang naikwento sa akin ni hubby.

Mabait at mapagalagang tao si oneechan.Noon buntis ako si oneechan mayumi at ang asawa niya ang naging dahilan para mabawasan ang problema namin sa MIL ko.
Sila ang nagaadvice sa asawa ko na ituloy ang pagbubutis. Siguro kaya alam nila ang nararamdaman namin na hindi namin kayang mawala o iwala ang baby namin kasi alam nila at napagdaanan nila ang pagsubok na napaka bigat sa kanila.

Naikwento sa akin ni hubby na Nagkaanak daw sila oneechan kaya lang namatay ito sa sakit.
2 years old lang ang anak nila ng makapiling nila ito.Simula ng nangyari na yun hindi na sila nagkaroon ng anak kaya siguro napaka bait nila kay yuina at sa amin.
Never nila ipinaramdam na galit sila sa amin.

Ang saya ng feeling kasi first time ko at ni yuina na makapunta sa bahay nila,si hubby 10 years na siyang hindi nakakadalaw .
Noong una medyo kinakabahan ako,iniisip ko kung anong itatrato nila sa akin.
Pero buti naman at mabait silang lahat panay kuha ng pictures kay yuina.
Nakatangap din kami ng regalo galing sa kanila at unang beses din ito na nakatangap kami galing sa relative ni hubby.

Ang saya ng feeling kasi hindi nila kami tinuturing na ibang tao.
Yun nga lang panay puri nila na buti na lang at maputi si yuina buti na lang at lahat ng nakuha kay hubby huhuhuhuhu nalungkot naman ako dun parang ayaw nila na maging kamukha ko si yuina huhuhu joke lang.

Niyayaya pa nila kami na dalawin namin sila paminsan minsan.
Wag lang kaming dadalaw kapag nandoon ang MIL ko hala ano kaya ang mangyayari baka umuwi ako magisa huhuhuh.

1 comments:

Azumi's Mom ★ said...

ANg cute cute naman ni YUina.. Bilog ang mata.. Lam mo, medyo kahawig mo nga din si Yuina eh, kahit nung unang kita ko palang sa kanya. Siguro ung skin, sa papa nya, lam mo naman japanese, medyo malakas ang dugo pero si Azumi, nagmana sa kulay ko.

Im sure in time, matatanggap ka rin ng MIL mo. If ever man na magkita kayo, basta kahit na isnabin ka, importante mag-Aisatsu ka. Parang ipilit ba ang sarili.. Kasi matanda na yan, bandang huli, ma-rerealized din nya na judgmental pala sya.

Ang important naman kasi, naka-ii kayo ni hubby, at marami sumusuporta sa inyo. Ang MIL naman eh, sya lang yun, sarado pa isip nya sa ngayon.

Ingat pala kayo dyan lalo na si Yuina. Kainis talaga ang influenza na yan, di na kami makakalabas ni baby nyan.