Minsan dinadala ko si yuina sa game center.
Ewan ko lang ngayon nagkababy ako nahilig ako sa mga laruan dati ayaw ko nagpupunta ngayon nawiwili ako.
Natutuwa ako kapag natutuwa ang anak ko.
Kapag marami siyang batang nakikita ngumingiti siya at nakikipaglaro never siyang umiyak kapag may ibang taong kakarga sa kaniya.
Kahit na nahihiya ako samahan si yuina sa paglalaro hindi ko na lang pinapansin.
Kasi mas gusto ko masayahan ang anak ko.
Ganun pala ang feeling ng may anak.
Kung dati selfish ako ngayon nauuna pa ang anak ko sa mga sarili kong pangangailangan.
Pag nagshoshopping kami puros sa papa niya at kay yuina napupunta ang budget na pang sarili ko sana.
0 comments:
Post a Comment