Hay sa hinaba haba ng prosisyon sa japan din ang bagsak.
Alam niyo na ibig ko sabihin.
5 am gumising kaming 3 para maghanda,6 am kami imulis papunta sa nyuukan.
9 nag bukas kaya pumasok na kami para hindi kami malate at marami kasing tao.
Dahil nagiiyak si yuina si papa ang nagpasa ng papers para sa akin.
Mainit kasi sa loob kaya si yuina iyak ng iyak.
Tingin ng tingin sa amin yun officer kasi hinubadan ko si yuina g damit kasi pawis na pawis at iyak ng iyak.
Naawa siguro siya kaya lang ayaw niya ipakita sa ibang mga taong makakakita.
Antay kami ng 20 mins simula ng pinasa namin yun papers.
Tinawag yun name ko syempre kabado pero ok lang kasi alam ko na rin ang isasagot ko.
Kinausap kami ng officer nilapag ang nakakagulat ng Dep!
Pirmahan daw namin yun.
Tinginan kami ni papa 5 beses inulit ng officer yun sinabi niya kasi ayaw ko pumirma.
Pero alam ko naman yun mangyayari.
Edi natapos din sa pirmahan.
Pinapasok kami sa isang kwarto bawal kami lumabas kung hindi kinakailangan.
1 hour kami ng hintay.
Then tinawag yun name ko ako lang daw ang pupunta sa isang room,si papa takot na takot.
Pag punta ko sa room kami lang 2 ng officer.
Pinapirmahan niya ako ng mga papers na dapat ko pirmahan.
Explain niya lahat.
After nun pirmahan,pinatawag sa akin yun anak ko at si papa.
Sinabi ng officer na ok na lahat wag ng gagawa ng masama ha.
Then binigay nila yun agimat ko hehehhe.
Syempre si papa ang naka kuha tinignan niya.
Sabi ng officer may tanong pa ba kayo?
Sabi namin wala na po.
Oh sige makakauwi na kayo.
Yes makakauwi na daw kami hehhehe saya diba.
walang kaba kaba.
2009/07/30
HEP HEP HURRAY!!!!!
Labels: Victory
2009/07/29
BUKAS NA EXCITED!!!
haaaaaa~ hinga muna ako ng malalim!
Totoo kahapon pa ako hindi mapakali.
Hindi na nga ako nakatulog at hindi ako dalawin ng antok.
Inalala ko pa yun mga nasabi namin last time na nagpunta kami.
Syempre kinakabahan hindi ko yun maikakaila.
Pero masaya kasi alam ko na hinding hindi ako pababayaan ng asawa ko.
Totoo naman na nagmamahalan kami at ayaw namin malayo sa isat-isa.
Sana lang maging maayos ang lahat bukas wag akong dalawin ng takot para hindi ako mablanko.
5 am ang alis namin 9 am kami pinapapunta, after nun kung makakalabas ako mamamasyal kaming 3.
Labels: Victory
2009/07/28
MAGIC BULLET
Nagpromise si papa sa akin na bibili niya ako ng magic bullet sa bonus niya.
TADAN!!!! nabili na nga niya ako.
Sabi ko sa kaniya na may gusto akong mixer napapanood ko sa tv.
Magic bullet ang tatak easy kasi gamitin at hindi malaki.
Yun dati kasi naming mixer malaki at mendokusai hugasan ang bigat at babasagin.
Kapag nagluluto ako ng hamburger at lumpia kaylangan ko pang tadtadin ng pinong pino yun gulay nakakatamad at matrabaho.
Kaya yan nga pinabili ko sa kaniya.
Bat kaya kapag nagasawa ka hindi mo na mapapansin na gusto mong bumili ng damit o makeup?!
Puros gamit sa bahay ang gusto mong bilihin.
Ang sarap kasi sa paningin kapag nakikita mo na may pinupuntahan ang pagtatrabaho mo.
Magandang gamit na lang sa bahay kaysa magsugal,nagyameta na kami sa pachinko.
Try kong gamitin to bukas.
Pwede ko rin gawan si yuina ng vegetable juice.
Magagamit ko rin to sa pagluto ko sa bday ni yuina.
Hindi na ako magkakanda hirap sa paghiwa ng maliliit na gulay.
Benta ko nayun luma ko o kaya iuuwi ko na lang sa pinas bahal na sila sa adaptor.
OO nga pala nakita ko sa internet na kapag set na deluxe ang kinuha ko worth 140000¥
Pero ang mura naman nito deluxe set na ito 9800¥ lang.
Sa itoyukado namin nabili.
Labels: Shopaholic
2009/07/26
WHICH CAR IS CUTE?
Hindi ko naman pwedeng bilhin yan parehas kasi hindi naman ako rich ano.
Bakit nga ba nagtatanong ako kung anong cute sa kanilang 2?!
Wala pa naman akong license para idrive sila.
Im 21 years old turning 22 next january.
Nagdadrive ako minsan sa parking lot nga lang practice nga lang.
Para kapag kukuha na ako ng lisensiya eh hindi na gaanong mahirap para sa akin ang intindihin kung pano magdrive.
Pero dito kasi ako kukuha ng lisensiya sa japan.
Malaking pera ang kaylangan at Kaylangan pag aralan dahil kapag bumagsak naku manghihinayang ka talaga sa binayad.
Okay bat nga ba ako namimili?!
Dati pa kasi gusto ko ng bumili ng car pero mas kakailangan nga pala talaga ng kotse kapag sa japan ka tumira.
Walang jeepney dito or tricycle.
My bus,taxi at train.
Mahirap kasi kapag walang car.
Si papa niyayaya na akong kumuha para daw hindi na daw siya maging driver ko kapag gusto kong mamasyal.
Isa pa mahilig kasi siyang uminom sa labas kapag may okasyon.
Mahal ang taxi kaya sana kung malkakapag drive ako ako na lang ang susundo at hatid sa kaniya.
Kaylangan ko rin sa pag pasok sa work at kapagihahatid ko si yuina sakaling magaral na siya.
Easy talaga ang magka car pero pag dating sa bayaran ng insurance naku dudugo ang ilong mo kaka isip kung pano babayaran.
Labels: wish list
HANABI 2009 (GAMAGOURI AISIN)
Niyaya kami ng tita ko na manood ng hanabi sa gamagouri sa office ni tito mori sa aisin.
Sayang wala si papa pumunta kasi siya sa shizuoka.
Tuwing may okasyon sa japan nagpapaputok sila ng fireworks.
Tulad ng summer,winter at new year para sa countdown.
Ibang iba sa pilipinas kasi nasanay tayo na sa labas lang ng bahay pede ng magpaputok.
Pero sa japan may lugar sila na duon lang pwepwede ang magpaputok ng fireworks.
Sa tabing ilog o dagat nila pwedeng paputukin,para malayo sa aksidente.
Isang oras din ang tinatagal ng fireworks nila.
Pero talagang ginagastusan nila ito.
Napaka ganda at organized.
First time ni yuina na manood ng fireworks.
Natutulog siya at nagsimulang pumutok ng pagkalaks lakas kaya siya nagising.
Pero akala namin iiyak siya dahil nagulat siya,pero hindi pala kasi natuwa siya dahil ibat-ibang kulay ang nakikita niya sa taas.
Sinubukan ko na kuhanan siya ng pictures kaya lang madilim kaya hindi siya kita.
Masaya kasi kasama ko ang family ko.
Syempre mas makukumpleto kung pati mga family ko sa phil makakasama namin.
Eto yun mga videos na kuha ko nun nanood kami ng hanabi.
hanabi 2009 pt 5
Uploaded by mamalovebabyyui_24
2009/07/25
SUMMER LOVIN !!
Napaka init ngayon summer.
Hindi kami makatagal ng walang aircon.
Okay sana kung nasa pinas kasi kahit hindi mag aircon may hangin naman.
Pero dito sa japan may hangin pero mainit parin ang buga.
Kaya mabuti pang sa loob ng bahay na lang magpahangin.
Sa sobrang init ng loob ng bahay.
Sa labas ng bahay ko pinaliguan si yuina.
Sad kasi hindi kasya yun pool sa veranda.
Kaya yun bathtab nalang niya ang nilabas ko.
Hindi ko pa siya nabibilhan ng swimsuit kaya hubad muna siya.
Tuwang tuwa kapag naliligo siya.
Mas Madali rin para sa akin na paliguan siya kasi nakakaupo na siya.
Hindi gaya noon,takot na takot ako paliguan siya kasi baka mahulog siya sa tubig pag nabitawan ko siya.
Pero ngayon okay na okay kami kapag papaliguan ko.
Paborito niya pa ang tubig.
Syempre eto si super mommy nakahanda na ang camera.
Hindi lang pictures meron rin siyang videos.
Kinuhanan ko siya ng videos, dahil sobrang enjoy na enjoy siya na nagtatampisaw sa tubig.
Tuwang tuwa rin ako kasi nakikita kong masaya ang bebe ko.
Ganoon pala ang feeling ng mommy.
Masaya ka na nakikita mong masaya ang anak mo.
eto yun video ni yuina habang naglalaro siya sa tubig.
12072009 summer 2009 ni yuina
Uploaded by mamalovebabyyui_24 - Discover videos of people, family and friends.
2009/07/22
PHONECALL!!
Hindi ko talaga alam kung anong nararamdaman ko.
Naghalohalo lahat,kaba tuwa takot at excitement.
UmpisAhan ko na ikwento.
Kaninang 11 am tumawag sa akin si papa.
Akala ko dahil bibigay niya na sa akin yun bayad sa pinabili kong bag.
Hindi pala! tumawag siya dahil ibabalita niya sa akin na tumawag na daw ang nyuukan sa kaniya.
Tinanong ko kung anong sabi?!
Sabi sa akin ni papa pinapapunta na raw kami ng nyukan sa 30.
Dahil daw ang passport,aliencard at yun paper na galing sa kanila.
Una syempre natuwa ako kasi ang aga naman nila tmawag akala ko mga 1 month pa ang aantayin namin hindi pala.
Kung ito na nga yun pinakaiintay namin.
Sayang naman kung hindi ako aasa.
Pero for sure mamimiss ko si yuina nainaalagaan ko.
Labels: Victory
2009/07/21
HIMA LANG!!
Wala kasi si papa kaya kaming 2 lang ni yuina sa bahay.
Natutuwa akong pinapanood yun mga videos niya.
Lalo na nun bagong panganak pa lang siya.
Cute na cute ako kasi hindi pa siya nangungulit.
Pero love na love ko ang bebe ko heheh.
Nakikita ko siyang masaya masaya na rin ako.
Siya ang nagtatangal ng pagod at hirap ko sa araw araw.
Labels: Videos
WOW ENJOY SIYA!!!!
Namasyal kami ni yuina first time niya na maglaro sa labas.
Kakatuwa kasi hindi siya takot sa ibang tao.
Pala kaibigan siguro ang anak ko.
Yun ibang bata na kasing edad niya naiyak kapag nilalapag sa palaruan.
Pero si yuina eto enjoy na enjoy sa mga bola.
Balak sana namin siyang bilhan ng Kaniya kaya lang maliit ang bahay masikip.
WOW YUINA NAKAKATAYO KA NA!!¥
Bebe ko.
nakakatayo na siya.
kala namin late siya lgi.
Nagkangipin siya nun 9 months siya.
ngayon naman nakakatayo na siyang magisa kaya lang nabagsak pa siya.
Kasi hindi pa naman siya gaanong marunong.
Pero dahil si papa ngayon ang unang nakakita.
Sad kasi akala ko ako lang lagi.
Nagtitimpla ako ng gatas niya tumayo daw sa likod ni papa si yuina.
After nun inihanda ko ang camera ko at keitai para kunan siya.
Yan lang saglit pero nakaka tuwa kasi natututo na siya.
wait muna sa iba pang videos..
MEGAN FOX LALAKE DAW?!!!!!
HA!!!??!!!!
Nakakagulat talaga ang sinabi ni megan fox na isa siyang lalake.
Hahahaha gustong gusto pa naman siya ng papa.
Sinabi ko na lalake si megan fox nagulat siya.
Sabi na lang niya sa akin ang galing naman ng pagkakagawa sa kaniya kung ganoon.?!.
Eto yun video niya .
Siya mismo ang nagsabi.
Hindi nga lang talagang alam kung nagbibiro lang siya o totoo nga?!
Labels: celebrity
BAG wow!!!
hahahaha
Talagang nagbabait baitan si papa ah.
Natingin lang ako sa net ng mga bag.
NIloko ko lang na ito sana meron ako nito.
Bigla naman nagsabi ng oo sige bilhin mo na yan.
Ang bait talaga no sweet pa.
sayang wala yun color green yun pa naman ang talagang gusto ko.
hehehe pero okay lang dahil libre naman yan.
Labels: Shopaholic
2009/07/16
SANDALS!!!!
Bad ko talaga lagi na lang ako gastos ng gastos.
Inubos ko na ang mga damit ko at nabenta ko na para lang makabili ng bago.
Kasalanan ko bang madagdagan ang weight ko after ko manganak?!.(siguro)
Lagi kasi akong nagbababad sa pc kaya yan ang napapala ko nababawasan ang ipon ko.
Talaga bang hindi pa ako sawa sa buhay ko dati o ngayon ko lang ba nakakamit ang mga gusto ko sa buhay?!
Nakabili ako ng 3 pair ng sandals kay prettyfly.
Ang gaganda talaga sobra kaya napabili ako.
Mahilig ako sa mga damit ngayon pa na nasa japan na ako at nabibili ko na ang luho ko.
Kaya lang hidni pede na lagi na lang akong ganto kaylangan na iwasan ko na para makaipon na ako para sa anak ko.
Mayaman pa nga ang anak ko sa amin ng tatay niya pagiipunan ko pa ba yun?!
Hidni naman ako naghihintay.
Kaylangan ko na rin magwork para sa pamilya ko.
Share ko lang yun nabili kong sandals.
Kay prettyfly ko kinuha yan pic na yan.
Yun una kong naipost na pictures ng sandals sad kasi wala daw stock.
pero nakapili ulit ako ng ibang sandals.
sabi ni sis prettyfly bibigyan niya daw ako ng free na 1 pang pair ng sandals.
bait niya db?!.
Yan yun mga napili kong sandals.
Share ko na rin ang blogshop niya.
eto tingin kayo baka may magustuhan kau.
http://modernkimono.multiply.com/
Labels: Shopaholic
BULAGA?!!!!!
Yun 9 months na hinihintay ko dumating na.
Nagbababad ako kahapon sa pc adik sa buy n sell kasi naman.
Naka headphone ako.
Meron nagdoorbell una tayo ako sa harap ng pc para tanungin kung sino?!
Natagalan ako magtanong kasi nsa loob ako ng bahay kaya yun damit ko eh para lang ako nakahubad hehhe.
Nainip siguro kaya Nagdoorbell uli.
Kaya inangat ko yun phone para tanungin kung sino sila?!
Ang sabi nyukan daw.
Syempre nagmixed yun nasa utak ko at the same time natataranta na ako.
Si babay nagising at naiyak kaya ang ginawa ko kinarga ko si bebe para hindi nila ako pagalitan na bat ang tagal ko.
Binuksan ko yun pinto 4 sila isang babae 3 lalake.
Dahil hindi ako nakapagpalit sabi nun mga lalake pasok ka muna sa loob para magpalit ng damit.
Sabi ko ok sige paplit ako ng damit yun pasok yun babae para magcheck sa bahay.
Una yun mga sapatusan nagcheck sila.
Derederetso na sila sa living at dining namin.
Sa kwartoMarami silang tinignan dun pictures dito pictures jan.
Tanong dito tanong jan.
Mabait naman sila at hindi naninindak.
Sabi sa akin na kapag tinawagan ba kayo ng nyukan at pinapunta kayo makakapunta ba kayo?
Sabi ko oo,Kaya sabi sa akin na sige antayin niyo na lang ang tawag uli namin.
Kelan kaya yun?.
Sana matapos na ang lahat ng ito at maging free na ako.
Para makatulong n ako sa pamilya ko.
Magaaral na rin akong magdrive kaya lang ayaw ko pa kasi si yuina sanay ako na ako ang nagaalaga sa kaniy.
Panatag ang loob ko kapag nakikita ko siya mismo sa aking harap.
For sure mamimiss ko siya pag nagwork na ako.
Labels: Victory
2009/07/13
8 MONTHS VIDEO CLIP NI YUINA FROM iMOVIE
Yosh buti na lang at unti-unti ko ng nagagawa ang video clips niya.Naipon na sobra.
Kakapagod din pala ang mag hanap ng mga pixs niya.
Swerte mo anak at wala pa work si mama dahil pag nagkaroon na ako natabunan na tayo ng pictures mo.
Nilagyan ko ng background music na GO THE DISTANCE nagagandahan ako sa music na yan.
2009/07/12
4 YEARS DEATH ANNIVERSARY OF MY FATHER
Pero namimiss pa rin namin siya.
Mahirap para sa isang anak ang mawalan ng magulang.
Malungkot,hindi mo alam kung saan ka huhugot ng lakas ng loob mo at sino ang tutulong sayo.
Love na love ko ang papa ko sabi nga nila dahil bunso mas malapit sa tatay.
Ako kasi simula yata ng naghighschool ako saka lang kami nakapag bonding ng papa.
Yun elementary ako ang ate ko ang laging hatid sundo ng papa ko.
pero nagasawa na ang ate ko kaya ako naman ang tinutukan ng papa ko.
Noon nabubuhay pa siya, ang naaalala ko kapag wala kami magawa ng papa ko.
Uutusan niya ako na gupitan ko siya ng buhok.
Minsan pa nga makeup o kaya bubunutan ko siya ng balbas niya ayaw niyang ishave gusto niya bunot para mabagal ang tubo kahit na masakit at nagdudugo na ok lang sa kaniya.
Gusto kasi ng papa ko ako ang gagawa ng lahat para sa kaniya.
May oras pa na kapag nanonood kami ng tv sa mahabang sofa 2 kaming hihiga ang posisyon ko nasa gitnang hita niya ako kaya pagminsan nauutot siya naku iniipit niya ang leeg ko para hindi ako makatakas sa amoy niya hahahahha.naging 3 na nga kami sa sofa dahil nagkaapo siya.
Yun totoo gustong gusto namin na makapunta sila ni mama dito sa japan.
Noon hinatid niya kami sa airfort nakita ko sa mukha niya na nalulungkot siya kahit na sinasabi niya na masaya siya.
Maranasan nila ang ibang bansa.mahirap lang kami kaya puros hirap sa buhay ang alam namin at naaalala namin.
Nang makapunta kami sa japan ilang buwan lang nagbday ang papa.
nabigyan pa namin siya ng pera para icelebrate niya ang bday niya.
After ng 1 buwan nabalitaan na lang namin na wala na siya.
Nashocked ako kasi kahit na may sakit ang papa ko dati pa malakas siya nun umalis kami.
Nagipon ako ng pera para marami akong maipasalubong sa kaniya at mabilhan namin saiy ng lupa mahilig kasi siyang magtanim.
Iyak ako ng iyak noon hindi ko matanggap na wala na akong papa.
Hindi ako sanay na hindi ko naririnig ang boses niya.
siya ang nagtatangol sa akin kapag may naaway sa akin.
Tinanong ko kung anong kinamatay niya.
Sabi ng mga tiyahin ko na inatake daw ng sakit niya dati pa.
Nakungkot ang papa ko kaya nagsimula uli siyang uminom ng alak.
Natutulog daw nun ang papa ko naramdaman niya na masakit na masakit ang tiyan niya at parang hirap na siyang makakita.
Sa kapit bahay siya kumatok habang gumagapang siya.
Bago namatay at maramdaman ng papa ko ang sakit niya.
Nilinis daw nito ang buong bahay namin talagang linis at ang kintab daw ng sahig,simula baba hangang taas.
Sa ospital ng dalhin siya lumalaban pa daw ang papa ko parang gusto pa niyang mabuhay.
Ang sabi ng doktor kapag tinangal daw ang lahat ng nakalagay sa katawan niya na binubuhay na lang siya mwawala na raw ang papa ko.
Kaya nagdesisyon ang mga kapatid niya na itigil na ang paghihirap ng papa ko.
Sana namatay na lang ang papa ko ng hindi siya nahihirapan.
Kapag naaalala ko ang lahat lagi lang akong naiiyak.
Pero alam ko na masaya na siya ngayon at binabantayan niya kaming mga anak niya.
Gusto ko lang sabihin sa papa ko na hindi ko nasabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya.
Labels: R.I.P
18000¥
Aba ang pagkakataon naman talaga.
Kahapon sunday after namin mamalengke pinapunta namin yun kaibigan ni papa at yun kaibigan ko na asawa niya sa bahay namin para ibigay yun regalo na nabili naman para sa summer.
Nanonood kami ng tv biglang nilipat ni papa yun channel sa pachinko channel.Kaya nagkayayaan kami ng kaibigan ko na magpunta sa pashinko malapit lang sa bahay namin 10 mins lang lalakarin.
Walang laman ang wallet ni papa may alikansiya siya at dun kami kumuha 3000¥ lang ang dala ko naku alam ko hindi ito aabot uuwi kaming luhaan nito.
Pag dating namin sa pachinkuhan umupo ako naku hindi pala pede yun 500¥ na barya dapat ay buong 1000¥ kaya malas ko naman.
Tawag ako ke papa nagtanong ako kung pede bang papalitan yun?!oo daw pumunta ako sa information nagtanong ako pinalitan naman nila kakahiya nga lang heheheh..
Yun lalaruin ko sanang dai hindi ko na nilaro kasi ayaw ko talaga ng kinikuman sabi ko kung talagang gusto mo ng pera sa umi tayo maglaro.
Nauna siyang umupo kaya lang ang pinipili niyang dai yun hindi na talaga lalabas.Ayaw ko sanang umupo muna kasi hahanap ako ng masmaganda.Ngayon nakakita ako ng dai na walang nakaupo at okay naman dahil naka 25 bonus na.Pagupo ko nagtaya ako ng 500¥ yun unang bulitas na pumasok sa butas naku tumama.hahahahah!!!!
Swerte yata ako ngayon wala pang 1 minuto ng upuan ko panalo na agad ako.
6 times ako nanalo ng bonus kaya naingganyo ako,kaya lang yun fren ko talo kakahiya naman kung ako naglalaro tapos siya nakatayo na lang.Binigay ko yun isang box kasi 4 na box yun napanalunan ko.Okay lang yun kasi di nanaman naiba yun fren ko sa akin 4 years na kami magkaibigan.Nahinto yun bonus kaya sabi ko ayaw ko na uwi na tayo okay na to 500¥ lang naman ang taya ko tapos nanalo ako ng 28000¥ .
Nagyakiniku kaming at ako ang nagbayad.
Labels: Hobby
2009/07/11
HAPPY 1o MONTHS OLD BABY YUINA
Hindi ko pa napagiisipan ang gagawin venue para sa kaniya.
Ang hirap kasi sa japan maghanap ng lugar na pepedeng gawin ang party,sa karaoke pede kaso ang sikip pede rin naman bbq kaya lang baka malamig na.
Pamilya ko pa lang sa japan marami na mga kaibigan ko pa at mga anak nila.
Hindi rin pede magpalaro kasi bawal nga naman.
Ngayon nag 1o months na siya ang dami-dami na talagang nakakatuwang natututunan niya.
Ang tumawa ng sobrang lakas at magsalita ng hindi maintindihang salita.
Nagpunta kami sa apita para mamasyal nun friday iniwan ko si papa niya at si yuina para magpahinga at umupo at ako na lang ang maglilibot.
Nang pag balik ko nakikita ko na nagbababye si yuina hanggang maka lapit ako babye pa rin siya sa akin at nagclap na siya.
Nakakagigil naman ang batang ito natuto na agad.
Mabait naman ang anak ko kasi never ko siya na hele para patulugin kasi mismong siya ay nakakatulog na ng sarili niya.
Kaya pag antok ako hinaahayaan ko lang siya sa crib niya dahil dun siya ligtas at hindi siya nauuntog maya-maya pag sinilip ko siya naku tulog na rin at nagdedede pa ng kamay niya.
Napansin ko sa anak ko na kapag iyak siya ng iyak at nanonood ako ng tv pag may CM sa tv na gustong gusto niya naku natahan lahat yata ng baby ganun mahilig sa CM.
Kahit buong magdamag ko lang siyang papanoorin ng tv ok lang sa kaniya dahil hindi naman siya naiyak paborito niya ang tv.
Tawag niya sa akin at sa papa niya ay oy!!
Ang batang ito talaga oy lang ang alam na salita.
Kapag kikissan ko siya namamalo at nangangagat.
Pero ang daming pamilya ko ang gustong gusto siya.
Sana makilala na siya ng pamilya ko sa pinas namimiss na daw nila si yuina at nanggigigil na daw sila na kagatin si yuina.
Labels: my angel, yuina`s monthsary
2009/07/10
ROOKIES (movie)
Naalala ko lang tong movie na to.Nakakatuwa at nakakaiyak.Una hindi ko ito gusto nanonood noon si papa napansin ko naiyak siya,hindi ko nga siya pinansin bumalik ako sa kwarto.Mga ilang minuto rin ang nakalipas lumabas uli ako ng kwarto para mag timpla ng gatas nakita ko si papa aba hindi pa rin natahan.Tinanong ko siya kung anong problema niya at iyak siya ng iyak?
Sabi niya bat di ka kaya manood ng drama na to para malaman mo na maganda at baka maiyak ka rin.Hindi ako mahilig sa drama hindi kasi ako nakakarelate.Ewan ko lang baka pusong bato ako?!Sinubukan ko ngang panoorin medyon patapos na kasi yun drama last episode na daw kaya pala maiiyak kasi patapos na.
Pero nun napanood ko talaga ngang nakakaiyak.
Tungkol ito sa mga istudyante na sumali sa baseball ngunit may isang kasamahan sila na habang naglalaro ng baseball nanghampas ng kalaban sa ulo kaya rason ito para mapatigil sila sa paglalaro.Simula ng mangyari ang insidenteng iyon basag ulo na lang ang kanilang inatupag,lahat ng gurong bago ay iniinis nila at binubugbog.
Kaya lahat ng school kinatatakutan sila at galit sa kanil.
Pero may isang gusro na malakas ang loob at may tiwala sa tao at tumutulong na abutin ang pangarap sa buhay ng ibang tao.Naging guro ito ng mga sinasabing basagulero ng mga istudyante.Siya ang naging daan para mapagbago ang mga ito at harapin ang pangarap nilang maging baseball player.Para na rin mabalik ang tiwala ng mga tao sa kanila at itigil na ang panghuhusga sa kanilang nakaraan.
Labels: movie
DIET REVISES IMMIGRATION LAWS AMID PROTESTS FROM FOREIGN RESIDENTS
The bills passed through the House of Councillors with support from the ruling bloc and the main opposition Democratic Party of Japan. The amendment will unify administrative work concerning foreigners, which is currently undertaken by both the central and local governments, and enable the Justice Ministry to solely execute tasks.
The bills, which have been discussed in parliament since April 24, will also abolish the alien registration card that local municipalities issue, and instead require the central government to issue a new residency card to foreigners who stay in Japan longer than three months.
The bills cleared the House of Representatives on June 19 after the ruling Liberal Democratic Party, its coalition partner the New Komeito party and the DPJ agreed on modifications to them, such as deleting a clause that would have required permanent residents of Korean and Taiwanese descent to always carry a residency card.
Foreign residents and their supporters claim the amendments would tighten controls and increase the burdens on them.
Under the revised immigration laws, foreigners who fail to notify the government of a change in address within 14 days would be fined up to 200,000 yen, and their residency status could be revoked if they fail to report changes within 90 days.
Foreign spouses of Japanese or non-Japanese permanent residents could lose their residency status if they fail to ‘‘conduct activities normally carried out by spouses’’ for six months under the revised immigration laws, but victims of domestic violence would be immune to that condition.
source: japan today
Labels: immigration law
NEW GUIDELINE SET FOR GRANTING SPECIAL PERMISSION FOR ILLEGALS TO STAY Friday 10th July, 09:09 AM JST
TOKYO —
Illegal immigrants could be granted special residence permission if they live with and raise school-age children, Justice Minister Eisuke Mori suggested Friday. Under a new guideline to be introduced Monday, ‘‘those who raise elementary, junior or senior high school children living in Japan for more than 10 years, who voluntarily report they have overstayed and who have no other record of law violation’’ could be allowed to remain.
However, those who have committed crimes involving drugs and guns will not be granted special residence permission, Mori indicated at a press conference. A justice minister is authorized to grant special residence based on the guideline.
The new guideline has been compiled following the case of a 14-year-old Filipino girl, born and raised in Japan, whose parents were deported to their country in April. The family had long been seeking special residence permission for the whole family, but the Justice Ministry rejected the parents’ request to stay while allowing their daughter to remain.
Since then, criticism has grown that the criteria for granting special permission to stay are unclear.
The ministry noted, however, that even under the new guideline, the Filipino couple would still have had to leave Japan as they entered the country using other people’s passports.
Maganda ito para sa mga overstay na walang inisip kundi ang future nila at kabutihan ng anak nila.
Labels: immigration law, visa
SMILE BABY!!!
Siguro eto na yun sinasabi ng mga mommies na "mas lalo kang matutuwa sa anak ko kapag natututunan gayahin ang mga ituturo mo at tatawa na lang bigla kahit na pinapakita mong galit ka".
Tama nga sila kasi simula pa lang naman nun pinanganak ko si yuina tuwang tuwa na ako pero siyempre iba na nga talaga ngayon kasi natututo na siya.
Pag nagising ako sa umaga para ihanda ang pagkain nilang 2 ni papa niya. Hindi ko muna sila ginigising, pagkatapos ko saka ko sila gigisingin.
Si yuina alam na niya na oras na ng gising niya kaya never siyang umiyak sa umaga para magpakarga.
Pag sinabi ko "YUINA OHAYOU" e beses lang yan naku gagalaw na siya at bilis na nga tumayo kahit na medyo nabagsak pa siya dahil antok pa siya.
Isa pa sa pinaka gustong gusto ko at kumukumpleto ng umaga at araw ko ay nag ngiti niya.tydtd
Labels: my angel
BUY N SELL !!!
Marami naman mababait na katf kaya lang hindi kon kasi sila gaano nakakausap kahit na sa ym si sis ecks oo minsan dati araw-araw pa nga.
Nainganyo ako sa buy n sell dati medyo ayaw ko pang bumili ng damit kasi kaylangan ibigay ang addres at totoong pangalan pero mabait naman ang mga buyer ko kaya wala akong problema, minsan pa nga nauuna pa yun item kesa sa bayad ko.
Di ba ang bait nila may tiwala agad sila sa akin.
Pag naman minsan nalelate ang bayad ko dahil sa postoffice o sa malls ko pede maihulog ang bayad.
Syempre minsan nasasaraduhan ako nakahiyaman pero mas maganda na yun magsabi ng totoo kesa takasan.
Ang dami na kasing nagiging problema sa buy n sell ngayon,pero maswerte ako dahil mabait ang buyer ko at loyal sila sa akin.Salitan rin kami minsan,Pag ako naman ang may tinda sila naman ang bumibili kaya minsan nagkakaroon kami ng bonding kwento kwento.
Si sis refnej si sis simplelyf at si sis ecks ngayon si sis megamichan ang medyo nakakausap ko.
Sana maging friends ko sila at ma meet ko sila someday.
Labels: Shopaholic
2009/07/07
SLIDE SHOW pt 1
And ang dami ko na rin naiipon na pictures niya hindi ko nagagalaw.
ganto pala kabisa ang maging isang nanay ah!!!
pero ok lang kasi naeenjoy ko naman kasi cute naman ng anak ko.
Nagedit ako ng pic niya kaya ginawan ko siya ng slide show.
try ko next time na ayusin ang mga pic niya para naman magkabuhay ang blog ko.
Thank you sa sumisilip ng blog ko.
Labels: slideshow
SURVEY pt 1
Labels: survey
2009/07/04
PAG-GAWA NG PURIN (LECHE PLAN)
Siguro nga malaki ang pinag kaiba ng purin sa pinas at dito sa japan.
Sa pinas medyo malasa at matamis,sa japan naman matabang ng konti at marami silang inilalagay na ingredients.
Simula ng nagsama kami ni papa sa iisang bahay sinubukan kong matuto magluto phil food at japanese food.
Since may sarili akong kitchen sa bahay namin ni papa.
Sinubukan kong gumawa ng purin.
Madali lang at mas mura dahil ordinaryong gatas lang pepede na.
Share ko sa inyo kung pano ko niluto ang purin.
First ihanda ang sumusunod:
4 na itlog
4 kutsang asukal
2 cup milk
vanilla flavor
tubig
Una ilagay sa lulutuang bowl ang gatas.
sindihan ang apoy ng katamtaman lang ang lakas
lagyan ng 4 na kutsarang asukal at vanilla flavor ng 3 patak at haluin ng konti.
hayaan uminit ang gatas ng 3 mins.
Habang pinapainit ang gatas batihin ang 4 na itlog sa malaking bowl.
Pag nabati na ang itlog itabi muna ito sa tabi pansamantala.
Tignan kung medyo kumulo na ang gatas,
kapag medyo mainit na patayin ang apoy saka ipaghalo ang gatas at binating itlog.
Mainit ang gatas kaya dapat na haluin para hindi malutu ang itlog at hindi ito manigas.
kapag nahalo na ang itlog at gatas itabi uli ito sa tabi at ihanda na ang paglalagyan ng purin.
Pag naihanda na ang lagayan sa aliit na lutuan maglagay ng 4 kutsarang tubig at 6 na kutsarang asukal.
sindihan ang gas stove at painitin ang asukal sa pinaka mahinang apoy.
Dapat tuloy tuloy ang paghalo dito para hindi manigas at masunog.
Kapag nag kulay brown na sa inihandang lalagyan ng purin lagyan ng tag 1 o 2 kutsara
Kinakailangan na mabilis ang paglagay dahil mabilis rin ang pagtigas ng syrup.
Pagtapos ilagay ang syrup isunod ng ilagay ang hinalong gatas at itlog sa lalagyan ng purin.
Dapat na gamitan ng salaan para hindi sumama ang buong itlog.
At kung maaari ay huwag mabula ang pag lagay sa lalagyan.
Para maganda ang kalabasan.
Pag katapos lagyan ang lahat ng lalagyan ng purin ilipat na sa lulutuan steamer, takpan ng foil para hindi pasukin ng tubig.
Steam ng 15 mins wag bubuksan para maganda ang kalabasan.
Kayo try niyo na gumawa nito mura lang at masarap pa.
Labels: food trip
2009/07/02
BAD DREAM (T-T)
Minsan kapag nananaginip ako may time na nakakalimutan ko may time na naalala ko.
Halos araw-araw yata lagi akong nakakapanaginip ng maganda at meron naman nagiiwan ng katanungan.
Talaga bang ang panaginip kabaliktaran ng katotohanan?!
Hinanap ko ang ibigsabihin ng panaginip.
Tinignan ko kung pede ba nito maiexplain kung anong ibigsabihin ng napanaginipan ko?
Maarin ba itong magkatotoo?!
Eto yun link na nabasa ko..
http://www.realmeaningofdreams.com/
Tayo ang nagawa ng panaginip natin.
Minsan nagkakatotoo.
Minsan naman Pinapagaan lang nito ang pakiramdam natin.
Ang dami kong tanong na alam ko walang pedeng makasagot kung hindi ang sarili ko lamang.
Last night na naginip ako.
Kinakausap ko ang asawa ko tungkol sa mahalagang bagay.
Bigla na lamang na nagalit ang asawa ko at lumabas ng bahay.
Same na nangyari the day after ko mapanaginipan.
Sabi ko sa asawa ko parang nakita ko na ang pangyayaring ito sa panaginip ko.
Next na panaginip ko.
Medyo naguluhan ako dahil ang daming pangyayari na hindi ko maintindihan.
Naalala ko lang ay may humahabol sa amin ng hubby ko.
Nasa harapan ko ang asawa ko at ako nahuhuli sa pagtakbo.
Pilit kong inaabot ang kamay niya pero hindi ko siya mahawakan kahit na malapit lang ang agwat namin.
Iyak ako ng iyak dahil sa takot.
Ayaw kong mawala ang asawa ko at maiwan akong magisa.
Habang patuloy kami sa pagtakbo unti-unti kong naramdaman na lumuluwag ang wedding ring ko.
Sa tinatakbuhan ko hindi semento kundi bakal na may mga butas.
Tumingin ako sa daliri ko para kunin ang singsing at itago sa aking bulsa,ngunit bago ko ito mahawakan bigla na lamang itong nalaglag sa lapag.
Habang nakikita ko ang panaginip.
Nakikita ko rin ang aking sarili na nakahiga at nakapikit.
Pilit kong ginagalaw ang katawan ko pero hindi ko maigalaw.
Nanlalamig ang aking pakiramdam.
Hinanap ko kahit na maaabutan na ako ng humahabol sa amin.
Iyak ako ng iyak dahil nawala na ang asawa ko at naiisip ko na mamamatay na ako pag naabutan ako.
Sa paghahanap ko biglang nangitim ang kalangitan.
Ngunit nahanap ko ang singsing.
Pero ng pagtayu ko nawala na ang asawa ko.
Naiwan akong nagiisa nawala na rin ang humahabol sa amin.
Pero nanatili pa rin ang maitim na paligid.
Natapos ang panaginip at nagising ako pero pikiramdam ko na pagod na pagod ako at nanlalamig ang buo kong katawan.
Mabilis rin ang tibok ng aking puso.
Natakot ako kaya sinabi ko sa asawa ko.
Ano kaya ang Ibig sabihin ng panaginip ko an ito?!
Sana hindi ito magkatotoo.
Labels: bad moment