BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

2009/11/17

YUINA HAYAKU YOKUNATTE NE!!!




Nakakalungkot na maramdaman at makita mo na may sakit ang anak mo,at nahihirapan.
Nagsimulang magkakaze si yuina noon november 5.
Sobrang lala ng ubo niya kaya naaawa ako.
Dinala ko siya sa doctor at pinapainom ko siya ng gamot niya.
Pero lumipas ang 2 linggo hindi siya nagaling.

Kapag gumaling man siya kung maari ayaw ko siyang dalhin na sa doctor kasi alam ko na mahahawa nanaman siya at babalik ang sakit niya.
Pero dahil sa kaylangan kong bumalik para itanong sa doctor kung pwede na bang ihinto ang gamot niya.
Sa totoo lang ang daming batang naguubuhan at lahat ng bata ay nilalagnat.
Gusto ko man lumabas hindi pwede dahil malamig at baka mas lalong lumala ang sakit niya.

Kahapon magaling pa si yuina at masigla.
Natulog kaming sa sala at napansin ko na ubo ng ubo si yuina.
Kinagabihan nakain kami at malakas pa siyang kumain.
Pag katapos noon papatulog na kami naramdaman ko na mainit ang katawan niya.
39.2 ang temperature ng katawan niya at nagalala pa ako noon magsuka siya.

Sabi ni hubby na baka may influenza si yuina.
Hindi ako makatulog at nalulungkot ako para sa anak ko.
Sana ako na lang ang may sakit at malusog na lang lagia ng anak ko.
Hindi sila nagsasalita iyak lang sila ng iyak kapag may masama sa katawan nila.
Kumuha ako ng tubig at nilagyan ko ng alcohol saka pinahiran ng bimpo ang ulo at kilikili ni yuina.

Ngayon araw na ito naka 3 balik ako sa doctor.
Unang punta ko sa nomoto clinic lagi kaming nagpupunta doon kasi magaling ang doctor.
Pero hindi nila chineck si yuina kung may influenza ba ito.
Binigyan lang nila kami ng gamot sa kaze at lagnat.
Nagtanong ako sa counter kung nagchecheck ba sila ng para sa influenza?!
Oo daw at kaylangan na kami ang magsabi sa doctor na icheck kung maari.
Naiinis ako kasi silang doctor pero parang sila ang walang alam.
Ni hindi nga nila alam na kapag tumutubo ang ngipin ng bata ay nagtatae at nilalagnat.
Hindi sila naniniwala sa ganoon kasabihan.
Sabi ko sa nurse pano yan gusto kong ipacheck yun anak ko kung may influenza o wala.
Sabi sa akin naku misis kaylangan niyo mag hintay ng 3 oras o 5 oras.
marami kasi laging tao dun kaya matagal ang pila.

Parang may duda ako na influenza nga ang sakit ni yuina kaya sa ibang doctor naman kami nagpunta.
Sumunod na pinuntahan namin malapit sa bahay namin ang aokisu clinic.
Gaya sa nomoto chineck nila ang lungs ni yuina at lalamunan.
Sabi ko na icheck nila kung may influenza pero sabi nila oo influenza nga.
naiinis ulit ako at naiiyak na hindi man lang nila icheck yun lagay ng loob ng katawan ng anak ko.
umuwi ako sa inis at si hubby nagtanong sa akin kung anong lagay ni yuina sabi ng doctor?!
Ang sagot ko influenza daw!!!
tanong ni hubby kung anong influenza ang sabi ko hindi nila chineck ang ilong ni yuina kaya naiinis ako sabi ko ikaw ang makipag usap sa doctor at tawagan mo sa telepono kung bakit hindi nila chinecheck ang ilong ni yuina?!.

Si hubby dahil sa inis napasigaw sa telepono at sabi na bakit hindi niyo chineck ang anak ko kung influenza nga o hindi?!
Yun mga binigay niyong gamot ano yan kung nagkamali kayo sorry na lang ba yan?!
TAnong ni hubby sa doctor anong influenza ang sakit ng anak ko.
SAbi ng doctor sige dalhin mo ulit at chechekin ko.

Dinala ulit namin si yuina tinanong nakin bat hindi niyo chinek?!
Ang sagot nila yun iba naman hindi nagpapacheck?!
kulang daw yun pan check nila sa ilong.
Shyouganai deshou?
Galit yun doctor at hindi niya kami kinausap kahit na papauwi na kami.

Naiinis talaga ko at naiiyak sa awa ko sa anak ko ang init kasi niya tapos labas pa ng labas dahil sa kapalpakan ng mga doctor.
Sana gumaling na si yuina dahil nahihirapan akong nakikita siyang hirap.
Kung pupwede lang ayaw ko siya naririnig na umiiyak kasi naaawa ako at nadudurog ang puso ko.
Mahirap maging mabuting ina sa anak.
KAya kung maaari alagaan niyo ang anak niyo para hindi sila magkasakit.



2009/11/16

HISASHIBURI NE!!!

Kamusta naman ang blog ko.
Kala ko mabubura na ang blog ko kasi hindi ako nakakapost kahit once a week.
Ano bang nangyayari sa akin after ko na makuha ang lisensiya ko.
Okay sige kwentohan ko kayo.

Itong november nagtry akong magapply ng trabaho.
Pinaalagaan ko si yuina sa kuya ko.
Inumpisahan kong humingi ng tulong sa timog.
Nanghingi ako ng no. ng broker o nangangailangan ng trabaho.
Sad to say isa lang ang nakuha ko at malayo pa sa bahay ko.

Dahil nasasanay na akong magmaneho, lagi ng iniiwan ni hubby ang kuruma sa akin.
Masakitin rin kasi si yuina kaya ako na ang nagdadala sa kaniya sa doctor kahit na hindi magtaxi.
Pag nakakaluwag ako sa araw inuumpisahan ko naman humanap ng trabaho sa mga kakilala kong nagkakaishiya rin.
Tanong kung may alam silang naghahanap ng trabaho.

Nagpunta na rin ako sa hello work pero wala rin trabaho na gustong tumanggap na ng gaijin.
Nakakainis kasi kung noon madali lang talaga ang makahanap ng trabaho.
Pero ngayon walang wala na.
Isa pa kapag iniinterview nila ako ang unang tanong nila sa akin ay kung may anak ba ako?!
Lagi rin nilang sinasabi na istorbo daw sa trabaho ang may anak.
Kasi kapag nagkakasakit kinakailangan umuwi o magabsent.

Totoo naman!
Kaya lang kasi parang nakakainis talaga!!!! grrrrrrrrr!!!! gusto ko ng tulungan ang family ko pati na si hubby.
Nalaki na si yuina at kaylangan ko ng ipunan ng pang future niya.
Kanina nag try ulit akong tawagan yun no. na bigay sa akin ng tita ko.
Yappa! kodomo iru to komaru datte!.

Ang bad ko kasi noon wala pa akong anak makahawak lang ako ng pera ginagastos ko na.
Ngayon ano ang hirap na ng buhay tapos ngayon pa lang ako kikilos.
Sobrang nakakapanghinayang.
Meron ngang natitira pang kaishiya na pwede kong pasukan kaya lang kimateru na kaylangan mag zangyou araw araw.
Hindi pwede na teiji lang.
Isa pa malayo ang trabaho at medyo mabigat.
Pero kung makapag usap kami ni hubby baka tanggapin ko na alng ang work na yun kahit na ikamamatay ko na para lang sa anak ko at family ko.



2009/10/30

MAY LISENSIYA NA AKO YATTA!!!!!


Wow sarap ng feeling kapag nagtatagumpay ka sa mga pinaghihirapan mo.
Nakuha ko na ang lisensiya ko kahapon 10/30/09 sa HIRABARI (License Center).
1 to 100 ang exam kaylangan makapasa ng 90% sa awa ng diyos nakakuha ako ng 92 pasang awa pero pumasa na rin kahit papaano.
4 kaming mga pilipino 1 nag amerikano at pinalad ako dahil ako lang ang nakapasa yun ibang pilipino hindi nakapasa, pati nga yun amerikano hindi rin.
Sa daming student na nag take ng exam puros nihonjin ang nakasabay kong kumuha ng lisensiya.

Buti na lang at may nakasabay akong nihonjin na student din sa pinasukan kong driving school,kaya kapag may hindi ako naiintindihan, sa kaniya ako nagtatanong.
Kaclose ko na rin kasi siya 18 years old pa lang siya buti nga at mabait at mahinhin.
Ibahin ko na ang usapan ha.

Ayun sa naranasan ko talagang mahirap ang kumuha ng lisensiya sa japan.
Kahit nga yun nagdadrive na sa pinas hindi pa rin nakakapasa kasi mahirap na ang exam pag dating sa hirabari.
Halos dumugo ang ilong ko kakabasa ng exam buti na lang at napagaralan ko ang lahat.
Yun ibang mga pilipina na nakilala ko nakakailang balik sila para lang sa student license.
Magastos at nakakapanghinayang kung hindi ipagpapatuloy.

Ngayon nagdrive na ako kahapon sa labas at si hubby ang unang sakay ko gamit ko rin ang sasakyan niya.
Hindi pa nga sure kung ibibili niya ako ng sasakyan.
Pero sa tingin ko malamang na ibili niya ako kasi takot lang niya na maibangga ko ang sasakyan niya.
Kaylangan ko rin kasi kung magtatrabaho ako at isa pa hindi kasi ako kumportable sa sasakyan niya dahil hindi yun ang nakasanayan ko idrive noon nagaaral pa ako.

Ang feeling wala lang parang normal lang mas nakakapagod pa nga ang magkaroon ng lisensiya kasi ikaw na mismo ang magdadrive kapag pupunta ka sa malls o magkakaimono.
Kapag pagod no choice.
Naguusap pa lang kami ni hubby kung maghahanap na ako ng work.
Pero yun totoo gusto ko muna magpahinga kasi sobrang pagod ko noon nagaaral ako.
Ni hindi ko na rin mahawakan si yuina kasi pag uwi ko bukas agad ng libro.

2009/10/11

STUDENT LICENSE YATTA!!


Oct 6 pumasa ako sa driving test ko sa driving school binigyan nila ako ng certificate na nagsasabi na nakapasa ako sa stage 1.
Next day nagpunta kami ni hubby sa hirabari para doon ako magtake ng exam dahil si hubby ay magrerenew ng license niya sabay na rin kami nagpunta.
Para rin kumukuha ka ng passport at may mga interview.

Una kabado ako at nagaalala baka hindi ko maipasa ang exam kasi mahina ako pag dating sa english.
Pero noon nagtest na kami swerte ko dahil lahat ng nireview ko aba parehas sa lumabas sa exam.
40 mins lang ang test pero natapos ko ng 15 mins 1-50.
Kaylangan walang bababa sa 90% ang score.
Pag nagkamali ka na ng 5 wala na bagsak na.

Mabilis ako natapos kaya inulit kong basahin ang questions.
Baka kasi may hindi ako nasagutan at mali ang pagkakaintindi ko.
3 lang kami sa room may isang hapon at isa naman pilipina.
Noon una ayaw akong kausapin ng pilipina pero nagtry ako na kamustahin siya.
Buti naman at sumagot siya,matanda siya sa akin kaya inaate ko siya.

Syempre after ng exam usap kami nun pilipina tinanong niya ako kung first timer lang ba ako?!
Sabi ko oo tinanong ko siya kung first timer rin ba siya.
Una ayaw niya ako sagutin after ng 2 mins sabi niya hindi pang 8 times ng balik niya,kasi hindi siya makapasa.
Ang hirap nga talag ng exam kung hindi mo pagpupuyatan.
Nagalit yata sa akin yun pilipina kasi nagtanong pa ako.
Hindi ko naman alam,pero noon umupo siya sa tabi ko salita na siya ng salita kahit na ayaw ko siya makausap kasi magagalitin nga siya.
Hinihintay ko si hubby breaktime kasi niya.
Umupo siya sa tabi ko tapos yun pilipina salita na ng salita nihonggo ang salita niya.

Sabi ko kinakabahan ako kasi baka bumagsak ako?!.
Sagot ni pinay oo bagsak ka niya kasi first timer ka lang.
Nainis ako sa kaniya kasi kala ko papagaanin niya ang loob ko hindi pala.ok lang sino ka?!
Sobrang inis ko sinabi ko sa kaniya na hindi naman lahat ng first timer tangga,kung magaaral ka ng seryoso makukuha mo yun sagot db?!
Yun mga tiyahin ko at ate ko bat nakapasa sila?!
Namumula sa galit yun pinay at sabi niya baka naman gurang na yun?! hello sino kayang mukhang gurang kaloka ka.
Sinagot ko nga siya ng hindi ate talaga lang may utak ang tao kasi ginagamit hehehehe LoL nagalit si pinay.

Kakainis kasi siya minamaliit niya lahat nakatikim tuloy siya hehehehe.
Eto na lumabas na sa monitor yun nakapasa at hindi nakapasa.
Nauna na ako kasi nagmamadal;i na ako para hindi ko na makasabay yun pinay.
sinabi ko yun No. ko tapos sabi nun babae omedetou!!!
Ha ano nakapasa ako?!
OO daw ang score ko 98 wow db galing ko isa lang ang mali ko.
Yun pinay naman nun pagkakuha niya nun result ng exam niya umalis na at hindi man lang nagpaalam galit kasi.

Kinuha ko na yun student license ko at ang sarap ng feeling kasi makakapag drive na ako sa labas kung dati sa loob lang ng school ngayon sa roads na talaga.


2009/10/04

FIRST DRIVING TEST AND MY BIG MISTAKE


Mga maling nagawa ko dahil sa pagka praning ko.


Mga dapat kong iwasan na pagkakamali at mga mali ko na dapat kong baguhin.


Yan lang naman ang pinagkakaabalahan ko ngayon.


Kala maliit pero malaki yan.


Record ng driving lesson ko stage 1 hangang stage 2.



HUHUHUHUHUHU!!!!!!
Kakainis bumagsak ako sa first driving test ko.
Everyday na lang lagi akong nagkakamali.
Yun una mali-mali ako nasanay ako unti-unti kaya lang yan test na nga saka pa ako bumagsak.
Aaminin ko hindi madali ang driving lalo na kapag pinaguusapan ang kaligtasan.

Hindi naman ako reckless mag drive kaya lang nagagather ako pag dating sa zigzag at s crunk.
Kapag naman renshu lang napeperfect ko.
Isa pang mahirap sa lesson ko yun test paper.
Kaylangan wag bababa sa 90% ang score.
kaya jibun no benkyou ako ngayon.

Wednesday na ulit yun 2nd test ko kapag bumagsak ulit ako pwede pa naman ulitin kapag hindi makapasa.
Yun nga lang sayang yun pera kasi every driving test may babayarang 5850¥.
Naiiyak ako kala ko last test lang yun pwede pa palang ulutin,pero sisiguraduhin kong next time ipapasa ko na.
Usapan namin ni hubby sa bday niya yun ang gift ko,pero muri kaya okay lang daw makakuha lang ako ng lisensiya.


2009/09/29

AM I OK?



Pang 3 araw ko na sa driving school.
First day ko naka schedule kasi ang pasok ko.
10:40 am susunduin na ako kasi 11:40 maglelesson na,unang teacher ko naku nakakainis grrrrrr!!!!
Kala niya hindi ako nakakaintindi ng nihonggo kasi hindi ako nagsasalita kaya kapag nagtuturo siya,(sa totoo lang parang hindi niya ako tinuruan kasi hindi man lang niya pinaliwanag kung ano-ano yun nasa libro)Sinasabi niya keso hindi ko naman naiintindihan kaya hindi na lang niya ituturo.
Kakainis ka pero ok lang magaaral na lang ako ng sarili ko.

Next schedule ko 13:40 driving lesson.
Excited pero kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung mabait ba ang teacher o hindi.
Ok naman ang unang driving ko tinuro nila kung pano liliko ng maayos.
Syempre ako si tanga hindi ko makuha kuha.
Nakakinis naiinis ako sa sarili ko.
May oras kasi ang driving lesson kaya hindi mahaba kahit na gusto ko pang magaral kasi kulang pa hindi pwede.

Next nag drive ulit ako.
Ibang teacher naman mabait din at tahimik yun unang driving teacher ko medyo babakla bakla kaya siguro sumisigaw.
Tinuruan naman niya akong Magsignal.
Nakakinis kasi baka hindi ako makapasa.
Usapan pa naman namin ni hubby na kaylangan maipasa ko para yun na lang ang gift ko sa darating na bday niya.
Naggaganbatte naman ako kaya lang bat ganun di ko maayos.

Next day Lesson ulit after non driving lesson naman.
Tinuro naman sa akin ni naruse teacher kung papaano ang kumaliwa sa pa s na daan.
Pinaka mahirap daw sa lahat yun pati ang pazigzag.
Pero okay naman at pinuri naman ako.

Eto na next na driving lesson ko yun babakla-bakla na teacher ko nanaman.
Tuturo niya sa akin kung pano ako tatawid sa railway at kung pano ako tatas sa hill at bababa.
Eto nanaman kami hindi magkasundo ewan ko ba bakit kapag siyang ang nagtuturo nawawalan ako ng gana.
Ang ingay niya kasi magturo .
Basta siya ang pinaka ayaw ko na teacher.

Marami akong nakikitang mga pilipina pero 2 lang sa kanila ang nakausap ko yun isa mabait na laging nakangiti,yun isa naman naramdaman ko na ayaw niya sa akin kahit na kinakausap niya ako.
May pinakilala rin siyang pilipina yun unang araw ko nakilala ko yun isang pilipina.
Naghello ako naghi din naman siya kaya lang ngayon araw na ito yun pangalawang babaeng nakilala ko at yun pinakilala niya sa akin hindi ko na kinibo at nititigan hindi ko na ginawa.
Ewan ko ba hindi naman ako tanga para hindi ko maramdaman na ayaw mo sa akin.
Nakakalungkot lang kasi parehas tayo ng bansa pero nagfeefeeling kang ibang tao.

Okay lang basta ako makapasa lang ako yun naman ang goal ko bakit ako pumasok sa D.S. at hindi makipag siksikan sa taong ayaw sa akin.
Dedmahin mo ako masdededmahin kita.
LoL joke lang.

Sinama ko nga pala si yuina sa D.S ko pinaalagaan ko siya kasi meron naman dun paalagaan.
Hindi umiiyak si yui kahit may nakikita siyang ibang tao ngiti pa ang makikita mo sa kaniya at hindi iyak.
Pag breaktime ko lagi ko siyang sinisilip.
Nakakawala kasi ng pagod kapag nakikita ko siya.
Kapag iniiwan ko naman siya nalulungkot ako.
Sabi ng nagalaga sa kaniya hindi naman daw umiyak si yuina at laro lang ng laro.
Yun nga lang hindi siya nakatulog.
Kawawang yuina hindi ko na nga siya isasama at baka kasi mahawa pa siya ng sakit ingat lang naman.
Hay!!!!! hanggang bukas ulit at magaaral pa ako sariling sikap kasi kaya babush mamushhhhh.....

2009/09/26

I MADE IT


Dahil sa kakulangan ng cabinet at kasikipan ng bahay namin.
Sobrang dami ng gamit ni yuina bumili ako ng cabinet at ako na rina ng nagassemble.
Lalagyan ng abubot ni yuina .
Nakatulong naman sa room kasi nawala na yun makalat at hiwahiwalay na gamit ni yuina.
Ang sikip lang kasi ng bahay namin kaya wala kaming gaanong cabinet.

Yun isang room namin ginawa na lang naman taguan ng gamit .
Sa isang room lang kami natutulog kakaunti lang nag cabinet kaya nakakainis gusto ko ng maglipat!!!!!!!!!.
Ang hirap maglinis kapag masikip ang bahay.
Yun alikabok sumisiksik sa ilalim na hindi ko malinisan.
Hindi naman pwedeng pabayaan kasi may batang makulit na pulot ng pulot ng kahit ano at isusubo sa bibig niya.


FIRST BIRTHDAY PARTY



Sorry late na akong nakapagpost ng pictures noon nagbday si yuina.
Sa koen lang naman ginawa kasi masikip sa karaoke at ayaw kong magrent ng room para hindi makagastos ng malaki.
Nagenjoy naman ang bisita at lalo na ang mga bata.
Nagtatakbuhan sila maghapon at walang car na nadaan sa kalsada.
Nakakarelax rin kasi hindi mainit yun palce at malakas rina ng hangin.

Ang daming gifts na natangap ni yuina at tuwang tuwa ang papa niya.
Una bago pa lang kami mag celebrate ayaw talaga ni hubby,sabi niya kami kami na alng 3 lang naman kami.
Okay lang naman kaya lang first bday naman niya kaya sabi ko pagbigyan mo na ang mommy kasi yun alng ang pwede kong magawa sa ngayon.

Pumayag naman siya at wala naman siyang kapagod pagod lalo na sa pagaalaga habang party ni yuina kasi ang daming nagalaga kay yuina at naglalaro na si yuina may video pa nga siya na nakakapag lakad na siya hindi ko lang maipost kasi haba ng oras kapag iniupload ko wala akong time.
Hindi ko pa rin nga nakukuhanan ng pictures yun mga bigay na gifts post ko pa dapat yun kaya lang tinamad na ako.

2009/09/22

TO DO LIST.......



Bago pa lang na mabigyan ako ng visa nagplano na kami ni hubby na magwowork ako after ng bday ni yuina.
Minsan nalulungkot lang ako na kokonti na alng ang time ko sa kaniya.
Gustong gusto kong inaalagaan si yuina kahit na malikot na siya at inuubos na niya ang pasensiya ko hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na alagaan siya.
Kaya lang kaylangan na namin pagipunan ang magiging future niya.
Hindi naman maingay si hubby kaya lang oras na kasi para ako naman ang makatulong sa mga pinsan ko.

Alam naman siguro natin na hanggang ngayon taghirap parin ang bansa.
Swerte pa nga at may trabaho pa ang mga pilipino dito sa japan.
So para mapaikli ang storya.
Nagkasundo kami ni hubby na magaaral akong magdrive.
Alam ko nakakatakot sa umpisa pero talagang kaylangan ko matuto.
Para naman hindi na ako tatawag kay hubby kapag oras ng work niya na kaylangan ko pumunta dito doon blablabla......
Para hidi narin magastos sa taxi.
Isa pa para samin ni yuina hatid sundo sa school or kahit saan lugar.

Magiipon na rin kami ng pera para sa next baby heheheh sana lang masundan.
Sobrang ang gastos talaga ng magkaanak kahit na never akong gumastos ako kasi ang tagahawak ng 1 month budget namin kaya kapag kapos ako lagi ang may kasalanan.
Basta gagawin ko na lang kung ano ang trabaho ng pagiging magulang at asawa.
Sana lang wag akong atakihin ng sakit ko sa spinalcord ko para hindi ako topakin everytime na mapapagod ako.

BABY GAP DRESS AND MY BABY SO CUTE


Maldita look!!



Ewan look!!


Shy pose!!


Bansai pose!!!

Last the very cute pose!!!


Waaa ang tagal kong nakabisita sa blog ko its 2:41 am at tumakas lang ako kay hubby para makapag post sa blog ko.
After ng bday ni yuina sobra napagod ako kahit na balik sa dati ang routine namin.
Nang nag 1 year old siya grabe ang daming nagbabago sa kaniya.
Natuto na rin siya na tawagin kami na PAPA/MAMA!!!
Sarap sa pakiramdam at nakakwala ng pagod.

TO BE CONTINUED!!!!


2009/09/11

THANK YOU MOMMY BAMZ & AZUMICHAN

MOMMY BAMZ kakareceived ko lang ng GIFT niyo kay YUINA.
Natouch talaga ako salamat!!.
Biro mo ang layo-layo natin sa isat-isa pero nagawa mo pa kaming maalala?!
Maraming salamat talaga
Tinanong ni hubby kung saan kita nakilala? ang sabi ko sa blog lang tayo nakakapag usap.
Pero natuwa talag si hubby, at bigla niyang naitanong kung kelan ang birthday ni azumi?!
Sabi ko 1 month lang ang tanda ni yui kay azumichan mommy bamz OCTOBER 8 ang bday ni azumi db?

Sobra kahapon ko pa dapat na receive ang gift mo kaya lang hindi ko narinig ang doorbell kasi sa room ako.
Si hubby ang nakaabot ng yellow card.
Sabi niya may kakilala ka bang takeshita sabi ko oo si azumi yun friend ni yuina hehehe.
Ang cute ng BAG PINK COLOR at yun DRESS pwedeng pang next year medyo maliit kasia ng hight ni yuina kaya kaylangan ng sandals.
Lalo na yun letter mommy bams salamat ng marami.

Konti lang ang friends ko sa japan.
Lahat sila hindi ko gaano nakikita pero pinahahalagahan ko.
Sana magtagal din tayo mommy bamz at hindi lang sa blog.

2009/09/10

HAPPY HAPPY FIRST BIRTHDAY YUINA


September 12,2008
9:48 pm
Jun ladies Clinic Kariya
3390 g
51.0 cm
December noon naalala ko habang nasa trabaho ako nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka.
Akala ko kakayanin ko pang ipagpatuloy noon araw na yun yung trabaho ko pero hindi pala kaya nagpaalam ako sa leader ko na masama ang pakiramdam ko at gusto ko ng umuwi.

Buti at pumayag ang leader ko,may 30 mins pa bago ako umuwi kaya kinausap ako ng leader ko at sinabi "pumunta ka ngayon sa doctor pag kauwi mo kasi buntis ka" hinawakan niya yun pulso ko at pinakiramdaman kung mabilis ang tibok ng puso ko.

Nashock ako at hindi ako makapaniwala bat niya nasabi yun,pero naexcite ako,ngunit hindi parin ako nagisip kung totoo ngang buntis ako kasi madalas ako mahilo at hindi pa naman araw ng buwanang dalaw ko.
Tuwing dec 31 nagpupunta kami sa skijyou doon kami nagpapalipas ng new year.
Nag snow board pa ako noon at pagulong gulong.

January na noon nakasagutan ko yun gf ng kuya ko.
Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko ang nakain sa labas at ayaw kong pumipirme sa loob ng bahay.
After 1 week nagtaka na ako bakit wala pa akong dalaw?!
Laging exact sa date kapag nagkakaroon ako.

Nagtaka na ako at dali dali kong tinawagan si hubby na bf ko pa lang that time.
Sabi ko bili mo ako ng pregnancy test kasi feeling ko buntis na ako.
Lagi rin kasi akong nananaginip ng baby noong hindi ko pa alam na buntis ako.
Si hubby naman dali dali siyang bumili at inabot niya sa akin yun PT.
Nang icheck ko possitive nga na buntis ako.

Syempre natakot ako noon una pero tinignan ko yun mukha ni hubby mukhang masaya siya.
Sabi ko sorry kasi alam ko na nagpromise tayo na kasal muna bago baby.
Sabi niya sa akin" daddy na ako yatta".
Tinawagan ko mga relatives ko pati sa pinas at tuwang tuwa sila.

The next day nag pacheck ako sa obgyn sabi 2 months na nga akong pregy.
Kasama ko si hubby everytime na may check-up ako,kahit na busy siya sa work nakakawala daw ng pagod ang makita niyang nagalaw sa tummy ko si baby.
Parehas kami kasi hiniling ko na sana halos araw - araw may check - up ako para makita ko kung gaano na siya kalaki sa tummy ko.

May nagsabi sa akin friend ko na kapag nalaman mo na buntis ka jan na magiinarte ang sikmura mo at uumpisa na ang paglilihi mo.
Totoo nga yun kasi nagsimula na kaagad ang paglilihi ko.
Grabe sobrang hirap ni ayaw kong bumangon sa higaan para kumain kasi kahit ikain ko niluluwa ng sikmura ko.
Tuwing gabi pag oras ng sipilyo lagi akong nagtatago sa ilalim ng kumot kasi ayaw kong naaamoy yun toothpaste.

Paborito kong amoy noon yun amoy lang ni hubby.
Yun kili-kili niya at pawis lokaloka ako noon naglilihi ako.
Pati artista sa tv may ayaw ako at gusto.
Si anne Curtis ang lagi kong nakikita sa tv siya rin ang gustong gusto kong napapanood sa tv.

Sa pagkain ayaw ko ng amoy ng mantika,bawang kamatis sibuyas at lutong kanin.
Kaya kapag nakain ako tinatakpan ko yun ilong ko at hindi na ako ngunguya nilulunok ko na lang ng buo.
Pero pag katapos kong mabusog sa toilet na ako nakatambay kasi lahat ng yun niluluwa ko rin kaya naiinis ako at laging naiyak.
Yun paborito kong starbucks ayaw kong pinapasok noon buntis ako kasi ayaw ko ng amoy kape huhuhuh.

5 months din akong naglihi.
Pero after ng paglilihi ko grabe 15 kilos ang tinaba ko,manas na manas ako parang paang elepante yun paa ko dati noon.
Mag sasummer noon kaya laging mainit ang pakiramdam ko,si hubby lagi kong inuutusan na bumili sa convini ng icedrop 10 piraso sa akin lang yun.
Kala ko nga maitim si yuina buti na lang at maputi.

Sinipag din ako sa pag lalakad sa gabi kasama si hubby , imbes na ako ang magyaya sa pag lalakad hindi si hubby ang nagyayaya para mabilis at madali ako makapanganak.
Hindi ko hirap sa pagbubuntis ko kay yuina kasi naspoiled kaming 2 ni yui ng papa niya.
Napaka responsableng papa si hubby.
Naipinagpapasalamat ko sa panginoon.

Tuwing gabi habang natutulog kami laging sinisipa ni yuina ang tiyan ko,kaya lagi akong nagigising hindi na ako natutuloy makatulog pang muli.
Ikot siya ng ikot at parang feeling ko gusto na rin niyang lumabas.
Kaya hinihimas ni hubby ang tummy ko nakakatuwa kasi nasagot siya sinisipa rin niya yun tummy ko kapag sinasabi ni hubby na gusto mo na bang makita si mommy at daddy?

Sabi ni doc sept 11 daw ang due date ko.
Inintay ko noon 11 wala akong nararamdaman.
Noon nag sept 12 na around 10 am walang sakit pero nararamdaman ko na manganganak na ako. sa araw na yun.
Kaya ang ginawa ko nilinis ko ang bahay bago ako makapanganak.
Inikot ko ang bahay ng 100 beses nag chikahan pa kami sa pinas ng mga kaibigan at tiyahin ko.

Tinawagan ko ang mama ko naiyak siya kasi hindi niya daw ako maaalagaan pagkapanganak ko.
Kaya sabi ko ma okay lang ako healthy si yuina kaya healthy rin ako.
nagutom kasi ako ng 12 kaya nagpabili ako ng pizza sa kuya ko,walang pasok yun gf niya kaya sa bahay na alng sila kumain.
mga 3 ng hapon nagtoilet ako may dugong lumabas at sumakit na ang tummy ko,kaya pinatawag ko na si hubby sa doctor at pinahanda na yun room ko.

Nagtuloy tuloy na yun sakit kaya dinala na ako ni hubby sa doctor.
Habang nakasakay sa car sigaw ako ng sigaw kasi sobra ng sakit at hindi ako makaupo kasi masakit sa pwerta at feeling mo na yun ulo mauupuan mo heheheheh.
Tarantang taranta si hubby lahat ng kotse sa harapan binusinahan niya.
Waaaaa ganun pala ang labor pain,grabe sa sakit parang marami akong sugat sa katawan pati buto-buto ko nasakit.

Mga 6-7 hours akong nag labor.
Grabe lahat ng nurse pinakiusapan kong palabasin si yuina kasi ang sakit na.
Buti na lang at may nurse dun na pumayag.
Pinaire niya ako mga 1 hour yun noon nakita na yun ulo ni yuina nagdatingan na yun doctor ko.
40 mins noon ng mag ire ako biglang lumabas si yuina.
Noon narinig ko yun iyak niya naiyak ako biglang naglaho yun sakit ng katawan ko.

Hindi ko na nga pinakingan si doc habang inexplain niya yun tahi ko hehehe bahala ka jan basta ako may anak na ako heheheh.
Pero after ng ilabas si yuina dun ko naramdaman ang sakit ng tahi at katawan lalo na sa pusod ang sakit.
Hirap makahinga.

Ngayon naishare ko lang noong buntis ako.
Ang bilis kasi ng panohon noon baby pa si yuina ngayon bata na siya na hahabulin ko.
Ang sarap palang maging mama kapag puno ng pagmamahal ang pagaalaga mo sa anak mo.
Sana balang araw mabasa ni yuina ito at malaman niya kung gaano namin siya minahal.

Happy birthday baby ilove you.



2009/09/09

ANONG CAMERA KAYA ANG MAGANDA?!


Nagyasumi si hubby para makapamili kami para sa party ni yuina sa sunday.Busy na kasi siya sa next ngayon week na to kaya ngayon lang kami nakagala ulit pumunta muna kami sa UFJ Bank office para magawan kami ni yuina ng cash card yes! unti-unti na ako nakakaranas na makahawak ng cash card hehehe lol!
After namin sa bank naglibot kami sa apita,syempre ang favorite spot ni hubby ang sushi kaya kumain muna kami at nagpakabusog.
Sawang sawa na ako sa sushi 3x a week na lang kami laging nakain sa sushihan.


Dahil mahilig si hubby sa camera lagi kaming nagpupunta sa camera shop tingin-tingin ng maganda at mura.
Eto na nagtanong na si hubby kung alin ang gusto kong camera samantalang bago pa yun lumix ko na gift niya sa akin noon nag bday ako last january.
Aba balak ulit ako bilihan! ang sabi ko sa kaniya ok na sa akin yun camera ko ngayon kasi maganda naman ang kuha,pero humirit ako kung okay lang sayo at galit ka sa pera mo yun pro camera na nikon pwedeng pwede na sa akin yun lol!




Akala ko magagalit siya at sasabihan niya akong ambisyosa ka heheheh!!!
Aba hindi ang sinabi pa sa akin okay sige pero ibibigay mo sa akin yun lumix mo?!
Hmp???? gusto ko yun pro camera pero madaling bitbitin ang digital cam ko ngayon?!
Sayang naman kung ibibigay ko?!
pero naisip ko hubby ko naman siya at sa iisang bahay lang kami kaya pwede kong gamitin ang lumix niya everytime na gustuhin ko..hehehehe!!!!


Kaya pumayag na ako!
Ang problema baka drawing lang yun ibibili niya ako ng pro camera?!
Kaya ang sabi ko na lang kapag hindi mo ako nabilhan ng nikon etong exilim,canon o lumix?! na lang ang pag pipilian ko.
Yan ang pinaka bagong labas ng camera ngayon.
Pero hindi ko talag sure kung ano ba talaga ang maganda kong bilhin?!



Nagrequest din ako na gusto ko rin ng bagong video camera kasi luma na yun camera at ayaw ma upload sa pc.
Gusto ko pa naman na gawin dvd yun nasa video camera ko ngayon.


2009/09/04

YUINA`s KAHAWIG?


Sino nga bang kamukha ni yuina?!
Lagi na lang kasing sinasabi na hindi ko raw kamukha,pero tawa pa lang kuha na sa akin noon bebe pa ako.
Buti na alng may naitago pang picture yan na lang yata ang pinaka last na picture noon bata ako.

Ang cute ng papa ni yuina kamukhang kamukha niya lalo na yun kilay.
Ang laki kasi ng itim ng mata ni yuina kaya hindi gaanong halata.
Pero 99% ang nagsasbai na ang papa niya ang kamukhang kamukha ni yuina,Ano na alng ang nakuha sa akin huhuuhuh.
Yun baba heheheh.

Click na alng yun picture para makita ng malaki.





NICHIRENSHOUSHU


Pinanganak akong isang katoliko,ngayon dahil sa nakapangasawa ako ng ibang relihiyon minabuti ko at si yuina na makibahagi sa relihiyon ni papa.
Hindi ko napagisipan ng sobra pero simula palang ng nakilala ko at simula ng napangasawa ko si papa tinangap ko na ang magiging kalagayn ko.
Hindi ko ito pinagsisisihan kahit na bahagi na ako ng ibang relihiyon hindi pa rin maaalis ang pagka katoliko ko.

Natutuwa ako dahil mababait naman sila at mainit ang pagtanggap nila sa amin ni yuina.
Hindi rin mahirap intindihin ang salita nila at dasal.
Hindi ko nga lang matagalan ang 1 oras na naka luhod.
Unang beses ako nakapunta sa otera nila naninilaw ang paligid sa kulay ginto,halos puros ginto ang nakalagay.
Sabi ni hubby lahat daw ng nakalagay doon ang gawa sa ginto.
Sa bahay nila hubby malaki rin ang butsudan nila at ginto ang paligid at sulat nito.

Malawak at lahat ay puros kulay itim ang suot.
Si yuina lang ang naka puti dahil bata pa siya.
Medyo nahirapan lang kami habang nagsasalita na ang pinuno sa kanila dahil nagiingay si yuina at sobrang magalaw.
Eto na yata ang simula ng buhay namin 3 sana maging 4 hehehe.
Nang papauwi na kami maraming abaachan ang lumapit kay yuina at kinarga nila ito.
Hindi naiyak si yuina kahit na kinakarga siya ng ibang tao kaya tuwang tuwa sa kaniya.

Sayang nga lang at wala ang tunay niyang lola.
Pero una palang kung magkataon na nagkita kami sinabi ko kay hubby na mag aaisatsu pa rin ako.
Unti-unti ni hubby sinasabi sa akin kung anong dahilan ng nanay niya kung bakit hindi niya ako matanggap ay ang 2 dahilan.
Una ibang lahi ako.
Pangalawa sobrang bata ko kay hubby 20 years ang gap namin 2.
Medyo na lungkot ako pero sinabi ko na lang kay hubby wala na tayong magagawa kasi hindi naman natin pwedeng baguhin ang edad ko.

Pinalakas na lang ni hubby yun loob ko kasi nakikita niya na medyo napagisip ako.
Sinabi na lang niya na dapat wag kang malungkot kasi ikaw ang mahal ko at pinili ko.
Dadating din ang panahon na maaayos din ang lahat.
Sana nga everyday kong pinagdadasal.

2009/08/28

OUR BABY GIRL IS TURNING ONE YEHEY!!!



Malapit ng mag birthday si yuina,pero hindi pa rin final yun ihahanda ko sa kaniya at venue.
Bilang mommy masaya na nakikita mong nalaki ang anak mo.
Mas lalong sasaya kapag kumpleto ang family ko.
Dito sa japan ko siya isecelebrate.
Noong una balak ko sa pinas na lang,kaya lang hindi makakauwi yun mga kapatid ko.

Ang hirap pa lang mag prepare ng party lalo na sa japan.
Walang gaanong resto na pwedeng pagpartihan.
Lalo na sa venue.
Balak ko sa park marami kasing kasamang bata kaya pwede silang magtatakbo.
Magtatayo na lang kami ng tent para kahit umulan may pagsisilungan.
Pwede rin mag bbq.

Pangalawang venue sa karaoke dun lang talaga ang pwede pag partyhan.
Kaya lang hindi maeenjoy ng bata.
Nakakainis wala akong maisip na lugar.
1 month ko ng pinaplano kaya lang wala na talaga akong maisip.
Pwede naman sa cityhall kaya lang bawal ang music at maingay anong party yun?!

Yun ihahanda ko naayos ko na.
Lulutuin ko sana.
Pansit or spaghetti,chopseuy,fried chiken,leche plan,kare-kare,lumpia.
Papagawan ko sana si yuina ng malaking cake,hindi pa ako nakakapagtanong.
Ano pa kayang maidagdag?!

Ok lang kasi mas importante maicelebrate namin ang first bday niya.
Makapag enjoy ang bisita.

2009/08/27

TARAP TARAP KAIN NI YUINA


Bago kami kumain ng papa niya inuna muna namin si yuina pakainin.
Masikip ang bahay namin.
Kaya minsan hindi kami nakakakain sa dinning kundi sa living.
Habang nakain kami ng papa niya patagong kinain ni yuina ang pagkain ng papa niya.
Ang bilis niya humablot ng kanin, kaya ginawa ko pinakain ko siyang magisa.

Unang beses niya na kakain ng kanin magisa.
Busog na siya pero kain pa rin siya ng kain.
Grabe sobrang makalat na talaga ang bahay namin simula ng matutong maggapang si yuina.
Kung dati 4x a week lang ako maglinis, ngayon dapat araw-araw na kasi nagdadampot na ng kung ano ano si yuina.

Nang pinakain namin siya sa platito, kala mo may aagaw ng kinakain niya.
Pero pinupulot lang ng papa niya yun nalalaglag na kanin at nakadikit sa kaniyang kanin.
Kaya akala niya inaagawan siya.
Ang bilis niyang dumampot ng kanin nakakatuwa na nakakapagod minsan.
Pero yun totoo nangingibabaw ang tuwa sa pagod.







2009/08/23

ANONG NANGYARI!


Pumunta kaming 3 sa jusco para kunin yun inorder namin na pang camping.
Si yuina ok naman siya habang nagbabyahe kami.
Nakaupo lang siya sa childsit.
Nagsasalita at naglalaro.

Noon nasa TOYs R US kami tuwang tuwa siya at gustong gusto niya na nasakay sa bike.
Hindi naman siya umiyak noon kinarga ko siya nagbyebye pa nga siya.
Gutom na kami kaya nagpunta kami sa food court.
Nakita niya ako na nakain.
Hindi naman pwede sa kaniya dahil bibimba yun kinakain ko.

Simula nun hindi na siya tumigil sa kakaiyak.
Kahit na pinakain ko na siya ng pagkain niya.
Sobrang lakas ng iyak niya kaya nakakahiya na nagwawala pa.
Umuwi na lang kami.
Pero kahit na nasa kuruma (car) iyak pa rin siya ng iyak.

Hindi ko na alam ang gagawin hindi ko mapigilan magalit pero ayaw ko siyang mapalo.
Naiyak na lang ako ng konti kasi naaawa ako.
Baka may masakit sa kaniya.
Pero alam ko may times na iiyak at magwawala ang bata dati na kasi akong nagalaga ng mga pamangkin at pinsan ko.

Pero iba pala talaga kapag sarili mong anak.
Kahit na nakauwi na kami sa bahay 2 hours parin siyang naiyak.
Buti na lang at medyo tumigil na siya at nakatulog siya sa pagod.
Pero unang beses nangyari ito sa amin ni yuina.


2009/08/20

MINI CHUCHU TRAIN


chuchu train



Minsan dinadala ko si yuina sa game center.
Ewan ko lang ngayon nagkababy ako nahilig ako sa mga laruan dati ayaw ko nagpupunta ngayon nawiwili ako.
Natutuwa ako kapag natutuwa ang anak ko.
Kapag marami siyang batang nakikita ngumingiti siya at nakikipaglaro never siyang umiyak kapag may ibang taong kakarga sa kaniya.

Kahit na nahihiya ako samahan si yuina sa paglalaro hindi ko na lang pinapansin.
Kasi mas gusto ko masayahan ang anak ko.
Ganun pala ang feeling ng may anak.
Kung dati selfish ako ngayon nauuna pa ang anak ko sa mga sarili kong pangangailangan.
Pag nagshoshopping kami puros sa papa niya at kay yuina napupunta ang budget na pang sarili ko sana.



BULILIT BULILIT NA MAKULIT


17082009bulilit makulit 3




Buti na lang at nandito sa japan ang ate ko at mga pamangkin ko,kasi naaalagaan nila si yuina at may nakakalaro si yuina.
Pumunta kami sa bahay ng ate ko kasi inihatid namin yun pamangkin ko nagbike lang kami 40 mins din yun sana naman pumayat ako kahit konti hehehe.
Nagtagal lang kami ng 30 mins kasi magdidilim na kawawa naman si yuina kapag nahamugan.
Pero kahit na mabili lang kami doon natuwa naman si yuina kasi malawak at may paglalakaran siya.

Nagtry nga siya na lumakad kaya lang lagi siyang nakahawak sa dingding takot pa siyang mauntog kahit ilang beses na siyang nauntog kasi malikot na kawawa naman.
Napaka ingay at magalaw na si yuina kahit naman nun nasa tiyan ko pa lang siya malikot na siya.
Pero yun ang pinasasalamat namin kay god kasi binigyan niya kami ng healthy baby.
Kapag nalalaglag siya o nadadapa sinasabi niya wah- nagagalit din kapag tinatawanan siya.
Kala mo talagang may naiintindihan na siya hehehe.


YUINA CAN DANCE YEHEY!!!!

Wala talaga akong ideya kung pano siya natutong sumayaw.
Dati kapag sinasabi kong sexy pose baby!
Ang gagawin niya iwawagayway niya yun kamay niya na parang nabyebye siya.
Pero kelan ko lang nakita na,kapag nagpapatugtog ako o napalak-pak nagwawagayway siya ng kamay sinasamahan na niya ng paa niya.
Naisip ko ano kaya kung magpatugtog ako?!
Sasayaw kaya siya?! o tititigan niya lang?!


19082009 dance yuina dance pt 1


Hindi nga niya tinitigan pero , Parang tinatamad naman siyang sumayaw heheheh.
Kaya pinatayo ko siya sa cabinet nakakatuwa kasi sumasayaw siya favorite niya kasi yun CM ng FITZ.



Buti na lang at nasa bahay na si papa dahil noon makita niya si yuina na sumasayaw tuwang tuwa siya.
Unti -unti si yuina nagkakaisip.
Naku malapit na rin ang bday niya pano kayang gagawin ko?!
Wala pang venue at wala pang menu kung anong mga ihahanda heheheh!!!
Sisimulan ko na nga at baka malate pa sayang naman first bday niya kaya aayusin ko na ng maaga.


THANK YOU SUZUKI FAMILY




Simula ng nabuntis ako si oneechan mayumi na ang nagpalakas ng loob namin noon oras na marami kaming problema.Siya ang pinsan ni hubby na kaclose niya ever since noon bata pa sila.Magpinsan sila sa side ng mama ni hubby.Marami magagandang bagay ang naikwento sa akin ni hubby.

Mabait at mapagalagang tao si oneechan.Noon buntis ako si oneechan mayumi at ang asawa niya ang naging dahilan para mabawasan ang problema namin sa MIL ko.
Sila ang nagaadvice sa asawa ko na ituloy ang pagbubutis. Siguro kaya alam nila ang nararamdaman namin na hindi namin kayang mawala o iwala ang baby namin kasi alam nila at napagdaanan nila ang pagsubok na napaka bigat sa kanila.

Naikwento sa akin ni hubby na Nagkaanak daw sila oneechan kaya lang namatay ito sa sakit.
2 years old lang ang anak nila ng makapiling nila ito.Simula ng nangyari na yun hindi na sila nagkaroon ng anak kaya siguro napaka bait nila kay yuina at sa amin.
Never nila ipinaramdam na galit sila sa amin.

Ang saya ng feeling kasi first time ko at ni yuina na makapunta sa bahay nila,si hubby 10 years na siyang hindi nakakadalaw .
Noong una medyo kinakabahan ako,iniisip ko kung anong itatrato nila sa akin.
Pero buti naman at mabait silang lahat panay kuha ng pictures kay yuina.
Nakatangap din kami ng regalo galing sa kanila at unang beses din ito na nakatangap kami galing sa relative ni hubby.

Ang saya ng feeling kasi hindi nila kami tinuturing na ibang tao.
Yun nga lang panay puri nila na buti na lang at maputi si yuina buti na lang at lahat ng nakuha kay hubby huhuhuhuhu nalungkot naman ako dun parang ayaw nila na maging kamukha ko si yuina huhuhu joke lang.

Niyayaya pa nila kami na dalawin namin sila paminsan minsan.
Wag lang kaming dadalaw kapag nandoon ang MIL ko hala ano kaya ang mangyayari baka umuwi ako magisa huhuhuh.

2009/08/15

IM TAGGED BY MOMMY BAMZ

First time kong mabigyan ng tag ni mommy bamz.
Ang saya kasi kahit si mommy bamz lang ang nakakabasa at nakakapag comment sa akin natutuwa ako.
First time din na mailalagay ang pictures namin ni hubby sa blog ko.
Ano kaya ang masasabi ko.
Nahihiya na tuloy ako.

BETTER HALF

MY BETTER HALF:


1. He's sitting in front of the TV, what is on the screen?
*Game show,drama.

2. You're out to eat, what kind of dressing does he get on his salad?
*Goma (sesame)dressing

3. What's one food he doesn’t like?
*Soba allergic kasi!

4. You go out to eat and have a drink, what does he order?
*Gohan never niya kinalimutan ang kanin!

5. What shirt size does he have?
*Dati L, ngayon XL!

6. What shoe size does he have?
*Size 26.5

7. What is his favorite type of sandwich?
*Ham and Egg sandwhich!

8. What would he eat everyday if he could?
*Misoshiru + Gohan (kanin)

9. What is his favorite cereal?
*Wala di siya mahilig jan!

10. What would he never wear?
*Sando!

11. What is his favorite sports team?
*Hanshin tiger (oosaka Baseball team)

12. Who did he vote for?
*Wala siyang gustong iboto!

13. Who is his best friend?
*Si Sumiya san

14. What is something he does, but you wish he wouldn't do?
*Gumastos ng malaking pera para lang sa Bike (cannondale) niya na di naman niya nagagamit!

15. What is his heritage?
*Japanese

16. You bake him a cake, what kind of cake?
*strawberry cake

17. Did he play sports in high school?
*Uo Baseball and Basketball

18. What could he spend hours doing?
*Manood ng tv and matulog maghapon!

19. What is the unique talent that he has?
*Wala eh hehehheheh!

20. What's his type of coffee?
*Wala milo ang favourite niya!



THE OTHER HALF


keiann

Ako na pala!
THE OTHER HALF
7 things About me:


1.Im moody and iyakin pero Makulit and Fun to be with.

2.Friendly pero mapili, Gusto ko lagi akong nakakatulong sa tao kahit na maliit na bagay lang.

3.Mahilig akong gumawa ng dessert kasi mahilig ang hubby ko sa matamis at yan ang dahilan kaya ako nahihilig, may taong natutuwa sa konting bagay na nagagawa ko.

4.Ayaw ko rin ng makalat pero tamad ako.Ayaw kong kapag niyayaya ako tapos hindi matutuloy nagtatampo ako.

5.Adik ako sa shopping at paggagala,lalo na sa pagkain,kaya tumataba na ako huhhuhu!

6.I like color pink black and gray kaya makakita lang ako ng damit na gusto ko basta color na fav ko bibilhin ko na!

7.Matakaw ako sa tulog kaya minsan nakakalimutan kong gawan ng baon si hubby kawawa naman.

Mommy bamz thank you sa pag tagged mo sa akin nagenjoy ako.
Thank you sa pag basa mo ng blog ko.



2009/08/13

HAPPY 11 MONTHS OLD BABY YUINA




Happy 11 months old anak.
Habang nakikita ko na ikay papalaki.
Sobra sobrang tuwa ang nararamdaman ko.
Unti-unti mong natututunan kung pano magpangiti ng tao.

Simula ng dumating ka sa buhay namin ng papa mo pinuno mo ang kulang sa sulok ng bahay.
Ikaw ang nagbibigay buhay sa araw araw namin ng papa mo.
Tuwing uuwi galing sa trabaho si papa lagi mong sinasalubong ng ngiti at tawa mong walang sinuman ang makakahigit.
Tuwing gigising sa umaga si mama ang mukha mo ang lagi kong nakikita na siyang kumukumpleto sa araw ko.
Sayo kami kumukuha ng lakas at pagasa.

Sa unti-unti mong paglaki kami ay nananabik na makita kang naglalakad at pilit mong inaabot ang kamay namin para mahawan.
Ikaw anak ang sentro ng buhay ni mama.
Nabago mo lahat simula ng ibigay ka sa amin ni god.
Gusto namin lumaki kang mabait at mapagmahal hindi lang sa familya kundi sa kapwa.
excited na akong makita kang masaya sa unang araw ng kaarawan mo anak.
Gumawa ako ng slideshow kinuha ko yun pictures ni yuina noon 1o months siya.

2009/08/05

R.I.P PRES. CORY AQUINO


WE LOVE YOU PRESIDENT CORY AQUINO.
WE LOVE YOU.
SALAMAT SA PAGIGING TUNAY NA INA NG BAYANG PILIPINO.

2009/08/03

MIL WAR!huhuhuhu!!!!

Aaminin ko hindi kami okay ni MIL.
Isang beses ko lang siya nakita,noon pumunta ako sa bahay nila papa nun namatay yun daddy niya.
Alam ko noon time na yun na hindi maganda na pumunta ako.
Ewan ko ba manhid ako noon time na yun,alam ko ng magagalit ang MIL ko.
Tinanong ko kung bakit galit sa akin si MIL.
Sabi ni papa naloko daw sila ng koreano,kaya galit ang magulang niya sa gaijin.

Wala naman akong ginawa sa kaniya.
Hindi naman lahat pare-pareho.
Noon nalaman ko na preggy ako ke yuina, nagdecide kami ni papa na magpakasal.
Syempre dahil kaylangan malaman ng mama niya,nagtry siyang magpaalam.
Pero nagalit lang at pinaalis siya sa bahay.

Nakakalungkot syempre mas maganda na kung ikakasal kami okay sana ang lahat at sa bebe ko.
Mas masaya siguro kapag nalalaro ni yuina yun lola niya
Aaminin ko hindi naman ako galit sa MIL ko,ngayon.
Napatawad ko na siya.
Nanay siya ng asawa ko kaya kaylangan respetuhin ko siya.

Pero noon una na nalaman niya na nakabuntis ang anak niya at magpapakasal.
Pilit niya kami pinaghihiwalay at gusto niyang ipalaglag ang anak ko.
Pero noon pinaglaban ako ng hubby ko hinayaan na niya kami.
Nagalit ng husto ang hubby ko at naguiguilty ako.
Pero anong magagawa ko mas matimbang ang anak ko sa nanay ng asawa ko kaya kami ang pinili niya.

Mabait na tao ang asawa ko kaya pinapasalamatan ko ang magulang niya.
Never pumasok sa isip namin na ipalaglag ang anak namin kahit na buhol buhol na ang problema namin.
Syempre noon una balisa ako sa mga nangyayari sa amin.
Buntis ako kaya hirap ako na hindi magisip ng problema.
Alam ko nakakasama na sa anak ko kaya kinausap ko ang asawa ko na tulungan ako sa lahat.

Buti naman at mabait ang asawa ko hindi niya pinaramdam sa akin na malaki ang problema namin.
Maaga siya nauwi sa bahay para samahan niya ako maglakad at kumain kaya nanaba rin siya.
Pinaramdam niya na nasa tabi ko lang siya at wag akong magalala.
Kaya ng lumabas si yuina doon ko naintindihan ang pagiging nanay.
Oo mahirap nga mawalay ang anak mo sayo.

Pero kaylangan rin maintindihan ng magulang ang anak pag dating ng panahon.
Ngayon naguusap kami ng papa na padalhan si MIL ng pictures ni yuina kahit isa lang.
Kung magagalit siya nasasakaniya na yun,Gusto lang namin na makilala niya si yuina habang bebe pa ito.
Pero kung magugustuhan niya si yuina ikatutuwa ko pa.
Lagi kong dadalhin sa kaniya.

Yan lang naman ang kulang sa ngayon eh ang matangap kami ng MIL ko.
Wish ko na sana lumambot ang puso niya pag nakita na niya si yuina.

2009/07/30

HEP HEP HURRAY!!!!!

Hay sa hinaba haba ng prosisyon sa japan din ang bagsak.
Alam niyo na ibig ko sabihin.
5 am gumising kaming 3 para maghanda,6 am kami imulis papunta sa nyuukan.
9 nag bukas kaya pumasok na kami para hindi kami malate at marami kasing tao.
Dahil nagiiyak si yuina si papa ang nagpasa ng papers para sa akin.

Mainit kasi sa loob kaya si yuina iyak ng iyak.
Tingin ng tingin sa amin yun officer kasi hinubadan ko si yuina g damit kasi pawis na pawis at iyak ng iyak.
Naawa siguro siya kaya lang ayaw niya ipakita sa ibang mga taong makakakita.
Antay kami ng 20 mins simula ng pinasa namin yun papers.
Tinawag yun name ko syempre kabado pero ok lang kasi alam ko na rin ang isasagot ko.
Kinausap kami ng officer nilapag ang nakakagulat ng Dep!
Pirmahan daw namin yun.

Tinginan kami ni papa 5 beses inulit ng officer yun sinabi niya kasi ayaw ko pumirma.
Pero alam ko naman yun mangyayari.
Edi natapos din sa pirmahan.
Pinapasok kami sa isang kwarto bawal kami lumabas kung hindi kinakailangan.
1 hour kami ng hintay.
Then tinawag yun name ko ako lang daw ang pupunta sa isang room,si papa takot na takot.
Pag punta ko sa room kami lang 2 ng officer.
Pinapirmahan niya ako ng mga papers na dapat ko pirmahan.
Explain niya lahat.
After nun pirmahan,pinatawag sa akin yun anak ko at si papa.

Sinabi ng officer na ok na lahat wag ng gagawa ng masama ha.
Then binigay nila yun agimat ko hehehhe.
Syempre si papa ang naka kuha tinignan niya.
Sabi ng officer may tanong pa ba kayo?
Sabi namin wala na po.
Oh sige makakauwi na kayo.
Yes makakauwi na daw kami hehhehe saya diba.
walang kaba kaba.

2009/07/29

BUKAS NA EXCITED!!!

haaaaaa~ hinga muna ako ng malalim!
Totoo kahapon pa ako hindi mapakali.
Hindi na nga ako nakatulog at hindi ako dalawin ng antok.
Inalala ko pa yun mga nasabi namin last time na nagpunta kami.
Syempre kinakabahan hindi ko yun maikakaila.

Pero masaya kasi alam ko na hinding hindi ako pababayaan ng asawa ko.
Totoo naman na nagmamahalan kami at ayaw namin malayo sa isat-isa.
Sana lang maging maayos ang lahat bukas wag akong dalawin ng takot para hindi ako mablanko.
5 am ang alis namin 9 am kami pinapapunta, after nun kung makakalabas ako mamamasyal kaming 3.

2009/07/28

MAGIC BULLET



Nagpromise si papa sa akin na bibili niya ako ng magic bullet sa bonus niya.
TADAN!!!! nabili na nga niya ako.
Sabi ko sa kaniya na may gusto akong mixer napapanood ko sa tv.
Magic bullet ang tatak easy kasi gamitin at hindi malaki.
Yun dati kasi naming mixer malaki at mendokusai hugasan ang bigat at babasagin.
Kapag nagluluto ako ng hamburger at lumpia kaylangan ko pang tadtadin ng pinong pino yun gulay nakakatamad at matrabaho.

Kaya yan nga pinabili ko sa kaniya.
Bat kaya kapag nagasawa ka hindi mo na mapapansin na gusto mong bumili ng damit o makeup?!
Puros gamit sa bahay ang gusto mong bilihin.
Ang sarap kasi sa paningin kapag nakikita mo na may pinupuntahan ang pagtatrabaho mo.
Magandang gamit na lang sa bahay kaysa magsugal,nagyameta na kami sa pachinko.


Try kong gamitin to bukas.
Pwede ko rin gawan si yuina ng vegetable juice.
Magagamit ko rin to sa pagluto ko sa bday ni yuina.
Hindi na ako magkakanda hirap sa paghiwa ng maliliit na gulay.
Benta ko nayun luma ko o kaya iuuwi ko na lang sa pinas bahal na sila sa adaptor.

OO nga pala nakita ko sa internet na kapag set na deluxe ang kinuha ko worth 140000¥
Pero ang mura naman nito deluxe set na ito 9800¥ lang.
Sa itoyukado namin nabili.

2009/07/26

WHICH CAR IS CUTE?

http://www.daihatsu.co.jp/lineup/tanto/
or

http://toyota.jp/bb/

I know para sa iba hindi sila cute pero para sa akin cute silang 2.
Hindi ko naman pwedeng bilhin yan parehas kasi hindi naman ako rich ano.
Bakit nga ba nagtatanong ako kung anong cute sa kanilang 2?!
Wala pa naman akong license para idrive sila.
Im 21 years old turning 22 next january.

Nagdadrive ako minsan sa parking lot nga lang practice nga lang.
Para kapag kukuha na ako ng lisensiya eh hindi na gaanong mahirap para sa akin ang intindihin kung pano magdrive.
Pero dito kasi ako kukuha ng lisensiya sa japan.
Malaking pera ang kaylangan at Kaylangan pag aralan dahil kapag bumagsak naku manghihinayang ka talaga sa binayad.

Okay bat nga ba ako namimili?!
Dati pa kasi gusto ko ng bumili ng car pero mas kakailangan nga pala talaga ng kotse kapag sa japan ka tumira.
Walang jeepney dito or tricycle.
My bus,taxi at train.
Mahirap kasi kapag walang car.
Si papa niyayaya na akong kumuha para daw hindi na daw siya maging driver ko kapag gusto kong mamasyal.

Isa pa mahilig kasi siyang uminom sa labas kapag may okasyon.
Mahal ang taxi kaya sana kung malkakapag drive ako ako na lang ang susundo at hatid sa kaniya.
Kaylangan ko rin sa pag pasok sa work at kapagihahatid ko si yuina sakaling magaral na siya.
Easy talaga ang magka car pero pag dating sa bayaran ng insurance naku dudugo ang ilong mo kaka isip kung pano babayaran.

HANABI 2009 (GAMAGOURI AISIN)

Niyaya kami ng tita ko na manood ng hanabi sa gamagouri sa office ni tito mori sa aisin.
Sayang wala si papa pumunta kasi siya sa shizuoka.
Tuwing may okasyon sa japan nagpapaputok sila ng fireworks.
Tulad ng summer,winter at new year para sa countdown.
Ibang iba sa pilipinas kasi nasanay tayo na sa labas lang ng bahay pede ng magpaputok.


Pero sa japan may lugar sila na duon lang pwepwede ang magpaputok ng fireworks.
Sa tabing ilog o dagat nila pwedeng paputukin,para malayo sa aksidente.
Isang oras din ang tinatagal ng fireworks nila.
Pero talagang ginagastusan nila ito.
Napaka ganda at organized.




First time ni yuina na manood ng fireworks.
Natutulog siya at nagsimulang pumutok ng pagkalaks lakas kaya siya nagising.
Pero akala namin iiyak siya dahil nagulat siya,pero hindi pala kasi natuwa siya dahil ibat-ibang kulay ang nakikita niya sa taas.
Sinubukan ko na kuhanan siya ng pictures kaya lang madilim kaya hindi siya kita.
Masaya kasi kasama ko ang family ko.
Syempre mas makukumpleto kung pati mga family ko sa phil makakasama namin.

Eto yun mga videos na kuha ko nun nanood kami ng hanabi.










hanabi 2009 pt 5
Uploaded by mamalovebabyyui_24

2009/07/25

SUMMER LOVIN !!







Napaka init ngayon summer.
Hindi kami makatagal ng walang aircon.
Okay sana kung nasa pinas kasi kahit hindi mag aircon may hangin naman.
Pero dito sa japan may hangin pero mainit parin ang buga.
Kaya mabuti pang sa loob ng bahay na lang magpahangin.

Sa sobrang init ng loob ng bahay.
Sa labas ng bahay ko pinaliguan si yuina.
Sad kasi hindi kasya yun pool sa veranda.
Kaya yun bathtab nalang niya ang nilabas ko.
Hindi ko pa siya nabibilhan ng swimsuit kaya hubad muna siya.
Tuwang tuwa kapag naliligo siya.

Mas Madali rin para sa akin na paliguan siya kasi nakakaupo na siya.
Hindi gaya noon,takot na takot ako paliguan siya kasi baka mahulog siya sa tubig pag nabitawan ko siya.
Pero ngayon okay na okay kami kapag papaliguan ko.
Paborito niya pa ang tubig.

Syempre eto si super mommy nakahanda na ang camera.
Hindi lang pictures meron rin siyang videos.
Kinuhanan ko siya ng videos, dahil sobrang enjoy na enjoy siya na nagtatampisaw sa tubig.
Tuwang tuwa rin ako kasi nakikita kong masaya ang bebe ko.
Ganoon pala ang feeling ng mommy.
Masaya ka na nakikita mong masaya ang anak mo.


eto yun video ni yuina habang naglalaro siya sa tubig.